Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Kris Bernal, hindi pumayag makipag-date kay Renz Fernandez noong Valentine's Day?

Updated On: March 5, 2020, 03:36 PM

Isa raw sa mga nag-invite kay Kris na lumabas noong Valentine's Day ay ang napapabalitang manliligaw niya na si Renz Fernandez.

By AL KENDRICK NOGUERA

Katatapos lang ng Araw ng mga Puso kaya naman nang bumisita ang GMANetwork.com sa set ng Little Nanay, kinamusta na namin ang Valentine's Day ni Kris Bernal.

Ayon sa bida ng teleserye, naging masaya naman daw ito dahil nakasama niya ang kanyang pamilya at fans dahil sa ginanap na Little Nanay mall show sa Valenzuela City.

"I didn't date anyone because feeling ko kapag may dineyt ako, siyempre tataas ang expectations nung tao. Ayoko kasi na parang 'pag pumayag ako, siyempre isipin pa rin natin na on Hearts' day, siya 'yung kasama ko. So medyo parang special siya. Kaya sabi ko, 'wag na lang. Tatanggihan ko na lang lahat para fair," paliwanag niya. ?

Isa raw sa mga nag-invite kay Kris ay ang napapabalitang manliligaw niya na si Renz Fernandez. Aniya, "Si Renz, tinanong ako. Ang persistent niya. Sabi ko ita-try ko 'pag natapos nang maaga 'yung family gathering namin. Talagang humihingi siya ng update. Ui Kris, ano tuloy ba? Basta kapag 'di tuloy ah. Eh kaya lang late na rin natapos."

READ: Renz Fernandez, nangakong aalagaan ang puso ni Kris Bernal? 

Pero ayon kay Kris, kung may oras lang siya at lalo pa kung hindi Valentine's Day, mapagbibigyan niya sana ang co-star sa Telebabad soap. Inamin din ng Kapuso actress na kay Renz galing ang bouquet of flowers na kanyang natanggap noong Araw ng mga Puso.

READ: Kris Bernal receives bouquet of flowers on Valentine's Day 

"Papayag ako [kung hindi Valentine's Day]. Actually lumabas na kami one time. Nag-movie na kami, nag-dinner na rin kami. A month ago lang," pagtatapos ni Kris.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.