Matutina sa mga pumanaw na 'John en Marsha' cast: 'Nakakalungkot, ang dali nila mawala'
Isa sa kilalang actress noong '70s hanggang '90s si Evelyn Bontogon o mas kilala bilang si Matutina. Siya ay napapanood noon sa Philippine hit TV series na John en Marsha bilang masungit na kasambahay ni Donya Delilah (Dely Atay-Atayan).
Dahil sa kaniyang role, maraming tao ang natutuwa na panoorin si Matutina, lalo na sa mga eksena niya kasama si Dolphy, na madalas niyang makaaway ang karakter nitong si John Purontong.
Ilang taon na ang lumipas, hindi maiwasan ni Matutina na ma-miss ang kaniyang mga dating kasamahan sa sitcom.
Sa kaniyang panayam kasama si Julius Babao, inamin ng dating aktres na nalulungkot siya sa tuwing naaalala niya ang kaniyang mga yumaong kaibigan tulad nina Dolphy, Nida Blanca, at Kennely Ann Lacia-Binay.
"Nakakalungkot. Ang dali nila mawala," malungkot na sinabi ni Matutina.
Malaking pasasalamat naman ng dating aktres sa buhay na ibinigay sa kaniya ng Diyos, sa kabila ng mga karamdaman niya ngayon.
Aniya, "Nagpapasalamat ako kay Lord dahil binibigyan ako ng extension pero pinapahirapan naman ako. E, pasalamat pa rin ako dahil ito pa rin buhay. Nakikita pa rin 'yung nangyayari sa paligid."
Dahil sa kaniyang osteoporosis, hirap na maglakad si Matutina at madalas na lang siya ay inaalayan o nasa wheelchair. Siya rin ay nagdi-dialysis ng mahigit siyam na taon.
"Na detect ng osteoporosis. Ang gamot doon 'yung injection of 12,000 [pesos] in six months bago pa maulit 'yung isang injection na iyon. E, may pain reliver naman binibigay pero talagang masakit," pahayag niya.
Bilang munting sorpresa para kay Matutina, naghanda ng video message ang kaniyang co-star sa John en Marsha na si Maricel Soriano. Ang mensahe ay nagbigay ng kasiyahan sa dating aktres at tila napaluha rin siya.
"Gusto ko malaman kumusta ka na, ano ginagawa mo, kasi sobra na kita nami-miss. 'Yung mga ano, those are the days sa atin, 'di ba? Sobra kita na-miss promise. Sana magkita tayo Ate Matu," sabi ni Maricel sa video.
Sa huli, nagpasalamat si Matutina sa lahat ng tulong, suporta, at dasal ng kaniyang mga fans at mga kaibigan.
Samantala, kilalanin ang mga celebrity na may kakaibang sakit sa gallery na ito:
Kris Aquino - Chronic Spontaneous Urticaria
Sinabi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na na-diagnose siya with Chronic Spontaneous Urticaria, isang autoimmune disease. Aniya, "To be specific I now know I have Chronic Spontaneous Urticaria, and yes, mine is an autoimmune disease. I am now, and for the rest of my existence will be, on high dosage antihistamines and having the EpiPen will always be crucial. Severe allergies are life threatening because of anaphylactic shock."
Dagdag pa niya, "I disclosed that I started maintenance medication to control my hypertension in 2015; I also have ongoing treatment for severe migraines. You know my life's journey. Thank you for being with me through the tears and victories. I AM PROOF, LOVE MAKES US STRONG. Because we know WHY WE ARE FIGHTING."
Rhed Bustamante - Incontinentia Pigmenti
Ang child actress na si Rhed Bustamante ay na-diagnose na may Incontinentia Pigmenti. Isa itong sakit sa balat, na bagamat puwedeng gumaling, di umano'y nakakamatay daw ito kung hindi naipagamot.
Alma Moreno - Multiple Sclerosis
Noong 2009 ay isinugod si Almo Moreno dahil sa sakit niyang Multiple Sclerosis. Around 2001 na-diagnose si Alma sa sakit na ito. Ang sakit na ito ay dine-describe bilang pagkakaroon ng " patches of hardened tissue in the brain or the spinal cord because of loss of myelin," na puwedeng magdulot ng partial or complete paralysis.
Kim Atienza - Guillain-Barre Syndrome
Taong 2013 nang mapabalitang nagre-recover na si Kim Atienza sa sakit niyang Guillain-Barre Syndrome. That same year ay muntik na rin bawian ng buhay si Kim Atienza dahil sa stroke. Ang Guillain-Barre Syndrome ay isang karamdaman kung saan ang immune system ay inaatake ang healthy nerve cells sa peripheral nervous system ng isang tao na puwedeng mag-cause ng "heart and blood pressure problems and paralysis."
Paolo Bediones - Psoriasis
Noong 2017 inamin ni Paolo Bediones na meron siyang skin condition na Psoriasis. Inilalarawan ito bilang "raised, red, scaly patches that appear on the skin. It typically affects the outside of the elbows, knees or scalp, though it can appear on any location."
Aiai Delas Alas - Psoriasis
Noong 2018 ay inamin din ni Aiai delas Alas na 15 years na siyang nakikipaglaban sa sakit niyang Psoriasis.
Abby Asistio - Alopecia
Ibinahagi ni Abby Asistio ang journey ng kanyang recovery mula sa sakit na alopecia. Ito ay isang autoimmune condition "characterized by the loss of hair due to damaged hair follicles."
Angelu de Leon - Bell's Palsy
Bell's Palsy--isang kundisyon kung saan napa-paralyze ang isang bahagi ng mukha--naman ang pinagdaanan ng aktres na si Angelu de Leon. Sa kanyang post noong 2016, ikinuwento ni Angelu ang kanyang karanasan: "I'd smile but my face is not moving. Good night everyone! Take care of yourselves. God bless you."
Michelle Madrigal - Hashimoto's disease
Taong 2018 ibinahagi ni Michelle Madrigal na meron siyang rare illness, ang Hashimoto's disease. Kuwento niya sa kanyang Instagram post, "So I have recently been diagnosed with Hashimoto's disease, along with other millions of young and older women who suffer from it." Paliwanag pa niya, "What is Hashimotos? It is an autoimmune disorder that can cause hypothyroidism, or underactive thyroid. It means that my immune system makes antibodies that attack the thyroid gland. The thyroid becomes damaged and can't make enough thyroid hormones."