Shaira Diaz graduates from college, celebrates with family
Isang bagong milestone ang naabot ni Kapuso Sweetheart Shaira Diaz nang magtapos siya sa kolehiyo noong August 22. Nagtapos si Shaira sa kursong Marketing Management sa University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City.
Kasama ni Shaira sa kaniyang graduation rights ang pamilya at fiance na si EA Guzman na proud sa bagong achievement ng iBilib host. Sa Instagram ay inalala pa ng Lilet Matias: Attorney-at-Law star ang sinabi sa kaniya ni Shaira bago bumalik sa pag-aaral noon.
“Ang hindi ko makakalimutan na tanong mo sa'kin bago ka mag aral ulit, 'Baba kaya ko ba? Kakayanin ko ba pagsabayin? Maraming pag-aalinlangan pero eto oh, BABA KINAYA MO at NATAPOS MO!” sabi ni EA.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Nakita ko kung pano mo pinaghirapan 'to. Kahit walang tulog ok lang matapos mo lang [ang] pag-aaral mo. Nakaka-proud ka. Isa ako sa pinakamasayang tao para sa'yo. IKAW ANG IDOL KO. Andito lang ako palagi, papalakpak sa lahat ng tagumpay mo sa buhay. Mahal na mahal kita.”
Sa kaniyang Instagram, nag-post si Shaira ng ilang litrato ng kaniyang graduation at ng celebration nila ng kaniyang pamilya pagkatapos nito.
Caption ni Shaira sa post, “MADE IT!!! Thank you, @universityofperpetualhelp Thank you, family & friends! Thank You, Lord! Yahoo! Done and dusted, folks!”
Tingnan ang ilang litrato ng graduation ni Shaira sa gallery na ito:
Done and dusted insert: 1-1 and 1-2 Matapos ang anim na taon ay naka-graduate na sa wakas ang Kapuso Morning Sunshine na si Shaira Diaz sa kolehiyo. source: shairadiaz_/IG
Matapos ang anim na taon ay naka-graduate na sa wakas ang Kapuso Morning Sunshine na si Shaira Diaz sa kolehiyo.
Marketing Management
Nagtapos si Shaira sa kursong Business Administration major in Marketing Management.
Awards
Ginawaran din si Shaira ng awards. Bukod sa pagiging most outstanding Business Administration student, nabigyan rin siya ng Personal Branding and Achievement Excellence Award.
Family
Kasama ni Shaira ang kaniyang pamilya sa isa sa pinakamasaya at importanteng araw ng kaniyang buhay.
Grateful for family
Present din ang lola ni Shaira sa kaniyang special day. Sa post ng Kapuso Sweetheart, malaki ang pasasalamat niya sa suportang binigay ng kaniyang pamilya.
EA Guzman
Full support din ang fiance ni Shaira na si EA Guzman. Sa post ng aktor sa Instagram, sinabi niya kung gaano siya ka-proud sa bagong achievement ni Shaira.