Celebrity Life

Carla Abellana, inamin na may crush kay Gabby Concepcion sa totoong buhay

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 3, 2020 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



“Sino ba naman ang [hindi magka] crush sa isang Gabby Concepcion?” - Carla


By BEA RODRIGUEZ
 

 

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on



Hindi lang pala sa teleseryeng Because of You may crush si Andrea kay Boss Yummy, dahil pati sa tunay na buhay umamin si Carla Abellana na na-starstruck siya kay Gabby Concepcion.

“Sino ba naman ang [hindi magka] crush sa isang Gabby Concepcion?” pagtanong niya bilang sagot sa isang fan kaninang umaga sa Unang Hirit.

READ: Carla Abellana at Gabby Concepcion, may chemistry kahit malaki ang age gap 
 

 

Nakachikahan natin sina "Because of You" stars Carla Abellana at Vaness del Moral ngayong umaga, kung saan game na game nilang sinagot ang mga tanong ninyo sa kanila! #UnangHirit

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on



Bukas rin daw siya sa posibilidad ng isang relasyon sa kanyang co-star kung magkapareho sila ng edad. Pabirong sagot ng leading lady, “Pwede bang siya na lang ang kasing edad ko? Ayaw ko [pang] dumating sa age na ‘yun [at gusto ko] forever ganitong age lang. Yes, definitely kung ka-age kami.”

Kahit mahigit dalawang buwan na silang nagkakasama sa set, iba pa rin ang tingin ng mestiza beauty sa batikang aktor. Aniya, “Nakaka-starstruck sa totoo lang.”
 

 

With friendship @vaness_delmoral at #UnangHirit very early this morning for #BecauseOfYou ????????????

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on



Inilarawan niya pa kung anong klaseng katrabaho si Gabby, “Sabi namin kanina ni Vaness [del Moral na] siya ‘yung tipo ng artista na [kahit] 2 a.m. [na ay] nakangiti pa din. Tapos gusto niya masaya lang sa set so nagpapatawa [siya at] nagjo-joke. Pinapagaan niya ‘yung set kapag medyo inaantok-antok na kami so nakaka-starstruck na makatrabaho siya.”

Simula sa susunod na linggo, mapapanood na sa mas pinaagang time slot na 8:30 p.m. ang Because of You sa GMA Telebabad.