Meet Diwata a.k.a. Deo Balbuena, ang tinaguriang 'Pares Overload Queen'
Kung dati ay naririnig lang ang salitang diwata kapag pinag-uusapan ang Philippine mythology, ngayon ay sikat na rin ito bilang pangalan ng LGBTQ+ member at Pares Overload Queen na si Deo Balbuena o mas kilala sa bansag na “Diwata.”
Sa social media, laging viral ang dinudumog na 24-hour pares business ni Diwata dahil sa umano'y pagiging “sulit” nito dahil sa halagang PhP100 ay may pares overload ka na, na may unli-rice, unli-sabaw, at isang bote ng softdrink.
Para sa mga nakakain na rito, hindi naman mismong pares ang binabalik-balikan ng mga tao kundi ang lasa ng tagumpay na nakamit ni Diwata dahil sa kanyang pagsisikap sa buhay.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating gay construction worker na nakatira sa ilalim ng tulay at madalas pagkatuwaan noon ay asensado na may sikat na negosyo na ngayon?
Samar
Tubong probinsya ng Samar si Diwata. Lumuwas siya ng Maynila upang makipagsapalaran at makapaghanap ng trabaho rito.
Education
Nakapagtapos ng secondary education si Diwata sa Don Juan F. Avalon National High School sa San Roque, Northern Samar.
Raketera
Namasukan noon si Diwata bilang isang beautician. Hanggang sa pinasok niya rin ang pangangalakal. Nag-sideline din siya ng pagtitinda ng kape, sigarilyo, at mga candy.
Construction Worker
Upang mas kumita ng pera, ang LGBTQ+ member na si Diwata ay nagtrabaho rin bilang isang construction worker.
Rampa sa presinto
Noong 2016, unang nag-viral si Diwata dahil sa kanyang pagrampa sa presinto nang masangkot siya sa isang insidente nang ireklamo niya ang kanyang dalawang kakilala na gumagamit ng iligal na droga sa ilalim ng tulay. Nauwi sa sakitan ang sumbong ni Diwata kung saan sinugatan siya sa noo at braso gamit ang cutter nang kanyang inireklamo.
Diwata
Baon ni Diwata sa kanyang pagrampa sa presinto ang kanyang kasabihang, “Nagmula sa kalangitan, lumagapak sa kalupaan, narito na sa inyong harapan ang nag-iisang Diwata na mukhang kawatan.”
Beautiful
Sabi pa noon ni Diwata sa mga nanakit sa kanya, “Mas nababagay kayo sa kulungan kasi mga kriminal kayo. Tingnan mo yung ginawa mo sa akin, ang ganda-ganda ng mukha ko sinira mo.”
Miss Q and A
Sumali naman si Diwata sa “Miss Q and A InterTALAKtic edition” ng It's Showtime noong 2019. Dito ay nanalo siya ng Beks in ChukChak Award.
Diwata Pares Overload
Ilang taon ang makalipas, muling pinag-usapan si Diwata dahil sa kanyang nagte-trend na 24-hour business na pinangalanan niyang Diwata Pares Overload. Ang ino-offer ng kanyang paresan ay unli rice at unli sabaw na may kasamang softdrink for PhP100. Nagbebenta na rin siya ng fried chicken o “Siken” kung kanyang tawagin, inihaw na liempo, at longganisa.
Asensado
Dahil sa kanyang pagsisikap sa negosyo, nakabili na siya ng kanyang sariling sasakyan at napaayos na ang kanyang tinitirhan.
KMJS
January 2024 nang matampok ang kuwento ni Diwata sa award-winning news magazine show ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Diploma o Diskarte?
Sinagot din ni Diwata ang tanong kung ano ang mas importante, “Diploma o Diskarte?” Sagot dito ni Diwata, “Alam mo napaka-importante talaga ng diploma para sa akin. Kung may diploma ka, mas marami ka pang diskarte na magagawa sa buhay. Pero kung wala ka namang diploma, nasa tao na rin talaga, depende na 'yan sa diskarte mo kung pa'no mo iaangat ang sarili mo.”