Fun Facts you didn't know about Kween Yasmin
Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang content creator na si Yasmin Asistido o mas kilala bilang Kween Yasmin dahil sa recent spoken word poetry niya, ang "Esophagus, Esophagus."
Sa pagbisita niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Kween Yasmin ang ilan sa mga fun fact o mga bagay na hindi alam ng nakararami sa kaniya tulad ng kung papaano siya nagsimula, at kung ano ang inspirasyon ng nasabing tula.
Sa kaniyang social media pages ay ibinahagi rin niya ang ilan pang detalye tungkol sa kaniyang buhay, katulad ng kung papaano niya nakuha ang pangalan Kween Yasmin.
Tingnan ang ilang fun facts tungkol kay Kween Yasmin sa gallery na ito:
Content Creator
Unang nakilala si Kween Yasmin bilang isang content creator. Nagsimula siyanoong 2018 noong gumawa siya ng parody ng Ex Battalion song na 'Hayaan mo Sila' at ginawa niyang 'Lalaking Manloloko.'
Videos at covers
Pagkatapos nito ay gumawa pa siya ng mga video ng kaniyang covers at maging parody scenes mula sa mga sikat na pelikula.
Nawalan ng space
Sa Facebook page niya, ibinahagi ni Kween Yasmin na hindi siya nakapasok sa virtual meet and greet niya dahil napuno na ang meeting room. Sabi pa niya, "Dapat pala una akong pumasok sa Zoom."
All-purpose Kween
Sa isang interview niya, ibinahagi ni Kween Yasmin kung bakit siya tinawag na All-Purpose Kween. "Kasi daw lahat nagagawa ko daw -- sing, dance, acting, 'yung mga pang-taekwondo, tapos karate, and many more," pagbabahagi niya.
Esophagus, esophagus
Nagviral kamakailan ang kaniyang tula tungkol sa esophagus na nabuo niya nang mag-guest sa isang podcast. Pagbabahagi niya, "On the spot ko lang po 'yun ginawa, impromptu."
Covers
Matapos ang kaniyang guesting ay marami ang nag-cover ng kaniyang impromptu na tula mula solo at duo, hanggang sabayang pagbigkas na mga performance.
Unexpected
Ayon pa kay Kween Yasmin ay hindi niya inasahan na marami ang gagamit ng audio ng kaniyang tula.
Spoken Word Poetry
Ayon kay Kween Yasmin, nadiskubre niya ang galing sa paggawa ng spoken word poetry nito lang 2023 kung saan binibigyan siya ng paksa na gagawan naman niya ng tula. "Tapos 'yun, sunod sunod na po, ang dami na apong nagpapa-request ng topic," kuwento niya.
Selos, selos
Isa sa ga tula na binahagi ni Kween Yasmin sa 'KMJS' ay ang 'Selos' na tungkol sa kaniyang love life.
Balagtasan with Susan
Naging guest din ng Dapat Alam Mo si Kween Yasmin kung saan nakabalagtasan niya ang boradcaster na si Susan Enriquez.
Dingdong Dantes
Minsan na ring nagkita sina Yasmin at Dingdong sa isang event. Sa post ni Kween Yasmin, hiniling niyang makasama rin ang Kapuso Drama King sa isang eksena.