Rapper Loonie, inalala ang "madilim" na pangyayari noong 2019
Aminado ang rap artist na si Loonie na negatibo ang naging epekto sa kanyang music career noong nasangkot siya sa isang buy-bust operation noong 2019.
“Siyempre, noong nangyari sa akin yun, talagang madilim yun kasi hindi ko inaasahang mangyayari sa akin yun. Parang naging infamous ako because of that,” lahad ni Loonie, o Marlon Peroramas sa tunay na buhay. Nakausap siya ng ilang piling entertainment media sa launch ng kanyang third album, ang Meron Na, nitong Linggo, December 17.
Patuloy niya, “Nakikilala ako ng mga tao, who don't even listen to me and hindi nakikinig ng rap, dahil napanood nila ako sa balita.”
Bagamat na-dismiss din ang kasong isinampa laban sa kanya kinalaunan, nanatili sa loob ng kulungan si Loonie ng ilang buwan bago napalaya.
Sa halip na panghinaan ng loob, tiningnan daw ni Loonie ang magandang kinahinatnan ng pangyayaring ito.
“In retrospect, ang dami pa rin siyang silverlinings,” aniya.
“Noong nangyari yun, para siyang tinuring ko na workshop. Iniisip ko na nagwo-workshop ako para sa isang pelikulang tungkol sa isang preso. Kasi, kapag nasho-shoot ka ng movie, kailangan mo rin i-live kung ano yung conditions na nandoon, e. Kung nasa giyera ka, kailangan nandun ka sa ano… So, ganun din ang iniisip ko, na may ginagawa akong pelikula about sa pagiging preso.”
Naging isang pagkakataon din daw ito upang magmuni-muni tungkol sa kanyang naging buhay.
Paglalahad ni Loonie, “I also took the time to re-evaluate everything, prioritize everything. Before ako makulong, I had no time for everything, wala akong oras, lagi na lang nagmamadali, 'Punta ka rito. May deadline dito.'
“Noong nakulong ako, yun ang time na I had all the time in the world. Kasi, wala naman akong magagawa. That's all you have there, time.”
Bukod dito, nabigyan din si Loonie ng pagkakataong maibahagi ang nalalaman niya tungkol sa rap music sa mga kasamahan niya sa piitan.
Kuwento niya, “I made the most out of it. Marami akong tinuruan mag-rap doon na mga preso. So, kahit na medyo na medyo madilim yung nangyari sa akin--yung fact na napapasaya ko sila dahil nandoon ako, pakiramdam nila hindi ako nakakulong dahil araw-araw akong nandoon. Kumbaga, nakakausap nila ako every time, parang hindi kulungan yung selda namin doon. Masaya sila. Iyakan sila noong lumaya ako.”
Mahigit apat na buwan din ang inilagi ni Loonies sa kulungan simula September 2019. Laking pasasalamat niya na bago magsimula ang pandemic ay nakalaya na siya.
“Noong nagsisimula na ang pandemic, palaya na kami noon. That's a good thing kasi noong nagsimula na ang pandemic, bawal na yung bisita. Napakalaking blessing na nakalabas kami,” pagtatapos niya.
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NASANGKOT SA ILEGAL NA DROGA:
Loonie
Fliptop rapper Loonie, or Marlon Peroramas in real life, is the voice behind the hit single 'Tao Lang.'
Buy-bust
Saksi reported on Wednesday, September 18, the arrest of Loonie and four others in a buy-bust operation of Makati City police at a parking lot of a hotel in Barangay Poblacion. Authorities seized 15 sachets of high-grade marijuana from them and said that they have been monitoring Loonie for almost a month. Meanwhile, in an interview with GMANews Online, the rapper denied the allegations against him. Loonie stressed, "Hindi totoo lahat ng paratang sa akin. Hindi po sa amin yan. Hindi po sa akin yan. Yang pera po, tsaka lahat ng nasa sachet hindi po sa akin yan,"
After spending more than four months in jail, he was cleared of drug charges.
CJ Ramos
'Ang TV' star CJ Ramos made headlines after the former child star was arrested by authorities in a buy-bust operation in Quezon City last July 31, 2018. CJ Ramos appeared in several movies like 'Ang TV The Movie: The Adarna Adventure', 'Tanging Yaman', and 'Tumbasan Mo Ng Buhay.'
Kit Thompson
Former 'Pinoy Big Brother: Teen edition'contestant Kit Thompson was arrested in February 2017 in a music festival in Clark, Pampanga for illegal possession of marijuana. Kit left the Philippines for a while to study acting in New York. He also worked as a model in Los Angeles, California.
Karen Bordador
Si Karen Bordador ay isang disk jockey, host, model and blogger.
Karen
Naaresto si DJ Karen at ang kanyang nobyong si Emilio Lim noong August sa pamamagitan ng isang buy-bust operation sa kanila mismong condo unit. Nasabat ang nagkakahalagang 2.8 million pesos na marijuana at iba't ibang flavor ng ecstasy.
Mark Anthony Fernandez
Unang sumikat bilang isang aktor si Mark Anthony Fernandez nang mapabilang siya sa showbiz teen group na Gwapings. Anak din siya nina Alma Moreno at Rudy Fernandez.
Mark Anthony
Nakulong si Mark Anthony sa Angeles City, Pampanga matapos siyang mahulihan ng isang kilong marijuana sa kanyang minamanehong kotse. Sa isa pang ulat ng 'Unang Balita,' inihayag na dati nang labas-masok sa rehab center ang aktor. The former matinee idol has been released on December 22, 2017 and his case was already dismissed, but his misdemeanor charges still remains.
Krista Miller
Isang sexy starlet si Krista Miller or Krystalin Engle sa totoong buhay. (
Krista
Nahuli si Krista sa isang buy-bust operation ng Quezon City Police. Kasama niyang nasakote ang dalawa pang modelong pinangalanang sina Jeramie Padolina at Liaa Alelina Bolla.
Sabrina M
Dati ring sexy star si Sabrina M, o Karen Pallasigue sa totoong buhay. Sumikat siya sa mga pelikulang 'Favorite Subject: Sex Education,' 'Karanasan: The Claudia Zobel Story,' at 'Aliw: Masarap na Lason.'
Sabrina
Hindi maitatanggi ang pagkasangkot ni Sabrina M sa iligal na droga dahil nakunan mismo siya na gumagamit nito sa surveillance video ng Quezon City Police District. Nagsumite na rin daw siya ng listahan ng mga celebrities na gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot.
Aurora Moynihan
Si Auora Moynihan ay kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez. Taong 2013 ay nahuli na si Aurora sa ginawang drug operation ng Southern Police District, at kasama niyang naaresto ang isang sindikato ng iligal na droga.
Aurora
Natagpuang wala nang buhay si Aurora noong September 10 at may mga tama ng bala sa kanyang katawan. Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung may kaugnayan ba ang pagpaslang sa kanya sa ipinagbabawal na gamot. Humingi rin ng privacy ang kanyang pamilya patungkol dito.
Hero Bautista
Ang nakababatang kapatid ni Mayor Herbert Bautista na si Hero Bautista ay kasalukuyang isang Quezon City Councilor ngunit nagsimula rin siya bilang isang child actor.
Hero
Inamin niya sa isang Quezon City council session na gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot at boluntaryong pumasok sa rehabilitation center.
Anton Bernardo
Kinilala bilang hottest sexy actor ng Seiko Films si Anton Bernardo noong 90's. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ang 'Kesong Puti,' 'Patikim ng Pinya,' 'Nang Mamulat si Eba,' at 'Anakan Mo Ako.'
Anton
Naaresto si Anton matapos harangin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsuot ng helmet noong December 2014. Dahil sa kanyang kakaiba at magulong ikinilos ay kinapkapan siya, at natagpuan sa kanya ang isang sachet ng shabu at ibang drug paraphernalia.
More galleries:
IN PHOTOS: Meet the former reality TV contestant and disk jockey Karen Bordador
Bong Alvarez
Ex-PBA superstar Paul “Bong” Alvarez made a name for himself when he registered 71 points in a single game during his sophomore year in the league. His team Alaska beat Shell 169-138.
PBA
Bong was arrested last June 3, 2017 in Sikatuna Village, Quezon City. The superstar athlete was caught with two other individuals while having a drug session inside a barber shop.
13 years
John was first exposed to illegal drugs in 1987 when he was just 19-years-old. According to the veteran action star, his belief in God and the loving support of his family, especially his wife, was key to his being drug-free.
John Regala
The 'Bad boy' of Filipino action movies John Regala revealed in an interview in Balitanghali last June 2016 that his drug addiction problem lasted for 13 years.
Cogie Domingo
Several news websites have reported that former matinee idol Cogie Domingo was arrested in a buy-bust operation. According to the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the actor was caught in the act of buying shabu.
Masculados
Former Masculados member Robin Rodel was arrested by police at the Barangay New Lower Bicutan, Taguig City morning of January 5, after he was found in possession of two plastic sachets containing suspected shabu.
Zaito
Fliptop artist Pedro "Zaito" Canon, Jr. was arrested last April 10, 2018 in Kawit, Cavite for alleged possession of illegal drugs. Police operatives searched his house and found three sachets of suspected shabu.
Kat de Santos
Zuher Bautista
Huli sa isang drug raid ng NBI Special Action Unit ang commercial model na si Zuher Bautista sa Quezon City. Nakumpiska sa bahay ni Zuher ang mga tableta na diumano'y ecstasy na nakalagay sa mga lagayan ng mga candy. Ayon din sa report ng 24 Oras, may mga bote din na nakuha na pinaniniwalaaan na lalagyan ng liquid ecstasy at hinihinalang shabu.
Angela Zamora
Ang dating teen actress na si Angela Zamora a.k.a. Angela Bovis ay hinuli ng mga autoridad sa isang eksklusibong sudivision sa Cavite. Ayon sa ulat ng Dobol B sa News TV, sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang dating aktres.
Deborah Sun
Jean Louise Porcuna Salvador, also known as Deborah Sun, was arrested last September 8, 2019 for illegal possession of cocaine during a buy-bust operation in Quezon City. Deborah is the sister of actor Phillip Salvador and starred in the film 'Temptation Island' in the 1980s. She previously entered a rehabilitation center for the illegal use of marijuana and said her drug use was due to depression.
Jenny Roa
Nahuli sa isang drug buy-bust operation ang dating sexy star na si Jenny Roa o Jennifer Kiilsgaard sa totoong buhay.
Aaron Cruz
Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang TV actor/model na si Aaron Cruz sa isang buy-bust operation sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig noong July 2019. Base sa ulat ng GMA News, si Cruz at ang kasama nito na si Geraldine Vitto ay nahulihan ng nagkakahalaga ng Php 1M ng party drugs at hinihinalang pakete ng cocaine. Sa report ng PEP.Ph, grand finalist ng Gandang Lalake contest sa It's Showtime noong 2014 si Aaron na ginamit ang pangalan na Henry Cruz.