Jaymee Joaquin, pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer
Pumanaw na ang dating aktres at TV host na si Jaymee Joaquin sa edad na 44 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer.
Inanunsyo ito ng kanyang malapit na kaibigan na si Fides VA sa isang Facebook post noong October 18.
"Our dearest Jaymee Topacio aka Jaymee Joaquin, Jaymee Wins officially became an angel today. You've lived the most beautiful life, Jaymee. You will be greatly missed on this planet," malungkot na balita ni Fides.
Bukod kay Fides, opisyal din itong inanunsyo ng kanyang pinsan na si Erika Geronimo.
"It is with a heavy heart that our family announces the passing of my cousin, Jaymee Topacio aka Jaymee Wins or Jaymee Joaquin," sulat ni Erika.
"She lived an extraordinary life filled with adventure, laughter, and love. She inspired and touched a lot of lives through her advocacy and talent. She will be greatly missed and will always be in our loving memory as a strong woman.
"A life so beautifully lived deserves to be beautifully remembered."
October 2016 nang ma-diagnose na may Stage 2A breast cancer si Jaymee.
Noong July 2017, masaya nitong ibinalita na cancer-free na siya. Pero noong March 2019, ibinahagi ni Jaymee na muling bumalik ang kanyang cancer.
BUKOD KAY JAYMEE, ILANG CELEBRITIES PA ANG PUMANAW DAHIL SA CANCER. KILALANIN SILA DITO:
Francis Magalona
Binawian ng buhay ang tinaguriang 'Master Rapper' na si Francis Magalona noong March 6, 2009 matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit na leukemia o cancer sa dugo.
Mark Gil
Marami naman ang nagulat nang kumpirmahin sa publiko ng pamilya Eigenmann na namayapa na ang beteranong aktor na si Mark Gil noong September 1, 2014. Ayon sa statement na inilabas, nagkaroon ng liver cancer ang batikang aktor.
Rudy Fernandez
Matapos ang ilang buwang pagkikipaglaban sa sakit na periampullary cancer, binawian ng buhay ang tinaguriang Prince of Action ng Philippine Cinema na si Rudy Fernandez noong June 7, 2008 sa edad na 56.
Liezl Martinez
Binawian ng buhay ang dating child star na si Liezl Martinez noong March 14, 2015. Na-diagnose na mayroong breast cancer si Liezl noong 2008 pero nalabanan niya ito. Noong 2011, bumalik ang cancer ni Liezl na sanhi ng kanyang pagkamatay.
TJ Cruz
Marami ang nagulat nang pumutok ang balita na pumanaw na ang dating child actor na si TJ Cruz dahil sa sakit na lymphatic cancer. Siya ay 37.
Redford White
Pumanaw noong July 25, 2010 ang aktor at komedyanteng si Redford White dahil sa sakit na lung at brain cancer. Siya ay nakilala dahil sa 'Iskul Bukol' nina Tito, Vic, at Joey.
Armida Siguion-Reyna
Taong 2019 nang pumanaw ang beteranang mang-aawit at aktress na si Armida Siguion-Reyna sa edad na 88 dahil sa sakit na cancer.
Marilou Diaz-Abaya
Pumanaw ang award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya noong October 8, 2012 dahil sa breast cancer. Siya ay nasa edad 57.
Chinggoy Alonzo
Namayapa noong October 15, 2017 ang beteranong aktor sa telebisyon at teatro na si Chinggoy Alonzo dahil sa colon cancer.
Spanky Manisan
Natalo ang aktor na si Spanky Manisan sa kanyang pagkikipaglaban sa cancer noong January 14, 2018. Siya ay 75 at huling napanood sa teleserye ng GMA na 'My Love From The Star.'
Johnny Delgado
Taong 2009 nang binawian ng buhay ang aktor na si Johnny Delgado dahil sa lymphoma. Siya ay 61.
Rio Diaz
Anim na taon matapos siyang ma-diagnose na mayroong colon cancer, pumanaw ang aktres na si Rio Diaz noong October 4, 2004 sa Daly City, California.
Twink Macaraig
Pumanaw na ang TV5 anchor/ newspaper columnist na si Twink Macaraig (left ) dahil sa sakit na cancer. Dating nag-trabaho si Twink bilang news anchor sa ABS-CBN News Channel (ANC) at nagsilbi rin bilang Filipino bureau chief ng Channel News Asia.
Charlie Davao
Pumanaw ang veteran actor na si Charlie Davao, ama ng award-winning actor na si Ricky Davao, dahil sa colon cancer sa edad na 75 noong 2010. Nagsimula sa showbiz si Charlie noong 1959 sa Sampaguita Pictures at napanood sa mga palabas tulad ng 'Pitong Matahari' at 'Totoy Bato.'
Jam Sebastian
Nakilala ang TV personality at vlogger na si Jam Sebastian sa kaniyang mga YouTube vlogs kasama ang dating girlfriend na si Mich Liggayu. Nakilala online ang kanilang loveteam na tinawag na JaMich. Pumanaw si Jam noong 2015 sa edad na 28 dahil sa lung cancer.
Emman
Naging sikat sa YouTube ang vlogger na si Emman Nimedez noong 2017 dahil sa kaniyang parody videos at paggaya sa mga Korean drama. Pumanaw siya dahil sa mga komplikasyon ng acute myeloid leukemia noong August 2020.
Hector Gomez
Sumakabilang-buhay na ang dating Regal Films actor na si Hector Gomez ayon sa kanyang anak na si Thor Gomez. Sa panayam ni Thor sa PEP.Ph, sinabi nito na lung cancer ang ikinamatay ng kanyang ama noong December 7, 2022.
Sa Instagram post ng aspiring actor, inalala nito ang kanyang Papa Hector. “But I'm thankful to have a papa na tulad mo kase I wouldn't grow to the man I am today without the guidance and experience na ibinigay mo. Kahit hindi na talaga buo yung family natin bago ka pa magpaalam binilinan mo na ako, at hayaan mo papa gagawin ko yung best ko para maalagaan si mama at yung mga kapatid ko. Ngayon alam ko na bakit.”
Dating napanood si Hector Gomez sa 1996 film na 'Nights of Serafina.'