Kinilig ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang mag-post ng identical photos sa kani-kanilang Instagram accounts ang 'My Faithful Husband' stars. By MICHELLE CALIGAN
Kinilig ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang mag-post ng identical photos sa kani-kanilang Instagram accounts ang My Faithful Husband stars.
Nitong Martes, September 8, ay halos sabay silang nag-post ng larawan ng dalawang oxygen regulator na gamit sa SCUBA diving. Sa kanyang caption, very proud si Jen na nakumpleto na ni Dennis ang kanyang open water certification.
Hindi ito ang unang beses na nagsama ang dalawa outside of their showbiz commitments. The former lovebirds were spotted in the Ariana Grande concert last month, as well as in a UFC event last May.
Nagsimula ang usap-usapang muli silang nagkakamabutihan nang lumabas ang balitang magkasama sila sa exclusive island ng Balesin noong Abril.