Celebrity Life

Jennylyn Mercado, handa sa magiging reaction ng viewers sa kanyang role sa 'My Faithful Husband'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Lunes na magsisimula ang 'My Faithful Husband' at sa teleseryeng ito ay ang babae ang nanloko sa kanyang asawa, kaya naman pinaghandaan na daw ni Jen ang puwedeng maging reaction ng mga manonood sa kanyang character na si Mel.
By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ngayong Lunes, August 10, magsisimula na ang pinakabagong primetime offering ng Kapuso network, ang My Faithful Husband, na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Sa teleseryeng ito ay ang babae ang nanloko sa kanyang asawa, kaya naman pinaghandaan na daw ni Jen ang puwedeng maging reaction ng mga manonood sa kanyang character na si Mel.

“Handa po ako! Pinaghandaan ko na po. In-anticipate ko na ‘yan. Sabi ko, ‘Maraming magagalit sa akin,’” pahayag niya nang makausap ng entertainment press sa grand launch ng naturang programa.

LOOK: A steamy night with the cast of My Faithful Husband 

Pero dagdag niya, "Pero I’m sure magugustuhan nila ‘to kasi iba eh, iba talaga. ‘Yung trabaho ng nanay at tatay baliktarin mo, ako ‘yung tatay, siya ‘yung nanay.”

Pabirong tinanong ng press ang aktres kung may naging boyfriend ba siyang unfaithful.

“Ay oo!” bulalas niya.

Bibigyan pa ba niya ng second chance kapag ito ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay?

“Ay hindi na. Kasi parang para sa akin, gawin mo nang una, gawin mo ngayon, puwede mo pa siyang ulitin. Lalo na kapag ‘yun ang issue, trust issues, parang medyo nakakatakot mag-risk.”

READ: Jennylyn Mercado talks about work-life balance in 'Good Housekeeping'