Pauleen Luna and Vic Sotto are having another baby girl!
Masayang masaya ang celebrity mom na si Pauleen Luna sa surprise gender reveal party na inihanda ng Sotto family para sa second baby nila ng mister na si Vic Sotto.
Sa Instagram, ibinahagi ni Pauleen ang mga larawan nila nina Vic kasama ang kanilang panganay at soon-to-be big sister na si Tali.
Sa ibang mga larawan, makikita naman na kasama rin ni Vic ang iba niya pang mga anak na sina Oyo, Danica, at Paulina.
Present din sa nasabing party ang iba pang miyembro ng Sotto family.
Kuwento ni Pauleen sa kanyang post, “Yesterday, our dear family, headed by @danicaspingris and @joywsotto threw an amazing gender reveal party for us. So so grateful for a fun filled afternoon! (Hindi ako nakatulog last night cos hindi ako maka move on) Will share how they revealed the gender WILD!”
Silipin ang masayang gender reveal party DITO:
Celebrity mom
Happy pregnant mom ang aktres na si Pauleen Luna sa gender reveal party ng kanilang pangalawang anak ni Vic Sotto.
Team Boy
Akala ni Pauleen Luna ay isang baby boy na ang kanyang dinadala pero another baby girl pala ang ibinigay sa kanila ng mister na si Vic Sotto.
Happy family
Magiging family of four na sina Pauleen Luna, Vic Sotto, at Tali soon sa pagdating ni baby Mochi.
Pauleen and Tali
Excited na sina Pauleen Luna at Tali sa pagdating ng bagong babae sa kanilang pamilya.
Big sister
Soon-to-be big sister na rin ang dating only girl nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali.
Wild party
Masayang-masaya si Pauleen Luna sa naganap na gender reveal party para sa kanyang second baby. “This gender reveal was soooo fun and so creative, i still can't get over it,” caption niya sa kanyang post.
Happy couple
Nagpapasalamat sina Pauleen at Vic sa kanilang pamilya na naging abala para sa kanilang gender reveal party. “Thank you again fam for giving us this baby shower, thank you for celebrating life with us! God knows we've been praying for this for a long time, so thank you for celebrating with us! Thank you @danicaspingris and Mama @joywsotto for fixing everything (all we had to do was go to the garden) Thank you Lord!,” saad ni Pauleen sa kanyang post.