Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Miguel Tanfelix, iniimbitahan sa Indonesia dahil sa kanyang 'Twerk It Like Miley' video

Updated On: February 21, 2020, 04:36 PM
Halos 250,000 daw ang dumagdag sa Instagram followers ni Miguel mula nang i-upload niya ang video. Karamihan sa mga bago niyang followers ay mga Indonesians.
By AL KENDRICK NOGUERA
Photo by: migueltanfelix_ (IG)

"Sa handler ko po, marami raw nag-e-email sa kanya na ini-invite ako sa Indonesia," 'yan ang bahagi ni Miguel Tanfelix sa kanyang 24 Oras interview nang kumustahin siya tungkol sa sumisikat niyang dubsmash video ng kantang Twerk It Like Miley.

WATCH: Miguel Tanfelix's 'Twerk It Like Miley' dubsmash 

Kuwento ni Miguel, nagulat na lamang siya nang biglang mayroon nang ibang language siyang nababasa sa comments ng kanyang trending video.

"'Yung followers ko [ay] puro Indonesians. Kaya parang wow, grabe, ang bilis talaga eh," pahayag niya.

LOOK: 'StarStruck' kid Miguel Tanfelix: Then and Now

Dagdag pa niya, halos 250,000 daw ang dumagdag sa kanyang Instagram followers mula nang i-upload niya ang video. At nang malaman daw ng kanyang Indonesian fans na artista siya rito sa Pilipinas, lalo raw naging interesado sa kanya ang mga ito kaya't nakakatanggap na nga siya ng imbitasyon na pumunta roon.

MUST-WATCH: Miguel Tanfelix’s version of #DontJudgeME
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.