Filtered By: Celebrity Life | News
PHOTO SOURCE: @sparklegmaartistcenter/ @_naomipark_
Who is the K-Pop girl of Sparkle Teens? Meet the 15-year-old Naomi Park
Kilalanin natin ang cute at talented na "K-Pop girl" ng Sparkle Teens na si Naomi Park.
Si Naomi ay ang iidolohin sa Sparkle Teens dahil sa kaniyang ganda at talento sa pagsayaw at pag-arte.
Narito ang ilang detalye tungkol sa 15-year-old stunner ng Sparkle Teens na si Naomi.
Naomi Park
Meet Naomi Park, ang bagong iidolohing teen star at isa sa mga mahuhusay na performers ng Sparkle GMA Artist Center.
Sparkle Teens
Si Naomi ay kabilang sa mga charmers and young achievers ng Sparkle Teens na ipinakilala noong April 2023.
Young and talented
Sa edad na 15 years old ay nakitaan ng talento sa pagkanta at pagsayaw ang tinatawag na "KPop Girl" ng Sparkle Teens.
Fun facts
Ibinahagi ni Naomi na siya ay isang ambidextrous o may kakayahang gamitin ang parehong kanan at kaliwan niyang kamay.