Meet the adventurous performer John Clifford
Siguradong aabangan ang isa sa mga heartthrobs ng Sparkle Teens na si John Clifford.
Si John na kilala rin sa tawag na Clifford or Fordy ay mula sa Cebu. Binansagan din si John na "adventurous performer" ng Sparkle Teens.
Kilalanin natin ang isa sa rising stars ng Sparkle na si John dito:
Cebu
Si John ay isa sa mga young stars na ipinakilala bilang parte ng Sparkle Teens. Siya ay mula sa Cebu.
Good looks
Kapansin-pansin ang good looks ni John kaya naman hindi malayong isa siya sa mga susunod na leading men ng GMA Network.
Talent
Bukod sa kaniyang looks, talented rin si John. Marunong si John magsayaw, kumanta, umarte, at tumugtog ng gitara.
Fun facts
Nagsimula si John kumanta sa edad na 6 years old. Maaga rin siyang nagsimula sa pagiging commercial model.
Guestings
Napanood na si John at iba pang miyembro ng Sparkle Teens sa iba't ibang guestings sa Kapuso shows. Ilan sa mga ito ay Pepito Manaloto, Farm to Table, at TiktoClock.
Jacob
Gumanap din si John bilang Jaco, ang love interest ni Clarissa (Angel Satsumi) sa flagship sitcom na Pepito Manaloto.
MAKA
Bahagi rin si John ng youth-oriented series na MAKA kung saan gumaganap siya bilang JC, isang estudyante na nagtatrabaho rin sa funeral home ng kanyang pamilya.
Lolong
Isa si John sa mga bagong miyembro ng cast ng pangalawang season ng hit action-adventure series na Lolong.
Lolong: Bayani ng Bayan
Panoorin si John Clifford bilang Ricky sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.