Filtered By: Celebrity Life | News
Shaina Magdayao
Celebrity Life

The quiet life of Shaina Magdayao

Noong 2016, pansamantalang itinigil ni Shaina Magdayao ang pagtanggap ng proyekto sa showbiz at maging pag-post sa social media matapos ma-diagnose siya ng hypothyroidism.

Unang nagsalita si Shaina tungkol sa kaniyang sakit noong 2017, na nagsimula, aniya, sa pagkakaroon niya ng allergic reactions tulad ng Angiodema at hives.

Dahil sa sakit, kinailangan ding huminto ng aktres sa pagsasayaw, na naging parte na ng kaniyang showbiz career.

Kuwento ni Shaina sa isang press conference, "I was gaining weight and parang to the point na nagkakaroon na ako ng injuries, back injury. 'Yung right knee nagka-MCL na ako because of my weight."

Taong 2019 nang muling maging aktibo sa social media ang aktres kung saan mas maayos na ang kaniyang kalusugan.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.