Article Inside Page
Showbiz News
Dahil sa maayos na ang relasyon ng kanyang mga magulang sa asawa niyang si Sen. Chiz Escudero, hinahanapan na rin ba si Heart ng baby ng mga ito?
By CHERRY SUN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Ayon sa
Beautiful Strangers star na si Heart Evangelista ay almost perfect na ang kanyang buhay ngayon lalo’t tanggap na ng kanyang mga magulang ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.
READ: “Parang nabunutan ako ng tinik” – Heart Evangelista on Chiz reconciling with her parents
Kamakailan ay nakitang nagbonding si Heart kasama ang kanyang ama at asawa.
Bahagi niya sa
24 Oras, “Alam ko may fishing sila ng daddy ko. Actually, mga 2 hours lang ‘yung tulog ko nun pero talagang pinilit ko pumunta kasi I didn’t want to miss it for the world.”
LOOK: Heart Evangelista goes fishing with two most important men in her life
Ngayon ay mas inspired raw si Heart na magpinta. Aniya, alay niya sa kanyang ama ang next art exhibit niya na magaganap sa taong 2016.
Masaya rin ang actress-host na na-e-engganyo rin sa pagpinta ang mga anak ni Chiz na sina Chesi at Quino.
LOOK: Meet Heart Evangelista’s ‘kiddos’ Joaquin and Cecilia
“I recently got an invitation, so I’m scheduled to teach art class sa school ni Chesi, sa grade 3 and grade 4,” sambit ni Heart.
Hinihiritan na rin kaya siya ng kanyang mga magulang na magkaroon ng baby?
“Hindi sila ganun,” maiksing sagot nito.
“Alam din kasi nila na may mga bagay na gusto kong enjoyin na hindi ko na-enjoy noong hindi pa kami kasal like traveling together, really spending time with each other, na kaming dalawa sa bahay,” patuloy ni Heart.
READ: No baby plans for Heart Evangelista this year