Kilalanin si Chariz Solomon at ang kaniyang mga pinaghuhugutan sa pagpapasaya
Isa sa mga komedyanteng nagpapasaya sa marami ngayon ay ang Kapuso actress na si Chariz Solomon na napapanood sa comedy gag show na 'Bubble Gang' at sa weekend sitcom na 'Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento.'
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' excited na sumalang sa isang panayam si Chariz kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.
Bukod sa buhay-pag-ibig at pagiging isang celebrity mom, isa rin sa mga pinag-usapan nina Chariz at Boy ay ang kaniyang pagiging isang komedyante.
Sino nga ba si Chariz bilang isang artista, ina, at isang komedyante? Alamin sa gallery na ito.
Chariz Solomon
Isa si Chariz Solomon sa mga produkto ng original artista search show ng GMA na 'StarStruck.'
Siblings
Si Chariz ay ang nakatatandang kapatid ng kambal na sina actor-director Fifth, at showbiz personality na si Fourth Solomon.
Balitang Ina
Tumatak sa maraming manonood ang segment ng 'Bubble Gang' na “Balitang Ina” tampok si Chariz at ang kaniyang kaibigan na si Valeen Montenegro.
Full-time mom
Bukod sa pagiging abala sa trabaho, isa ring full-time mom si Chariz sa kaniyang tatlong anak na lalaki na sina Apollo James, Ali Joakim, at Andreas Manolo.
Love life
Nakatagpo ng bagong pag-ibig si Chariz sa katauhan ng kaniyang current partner na si Vince Teotico.
Bubble Gang and Pepito Manaloto
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' Inilarawan ni Chariz ang programang 'Bubble Gang' bilang epic, at ang 'Pepito Manaloto' bilang iconic.