TINGNAN: Ganito ang mga artista sa likod ng kamera
Glamoroso man tingnan sa mga telebisyon at pelikula, pinatunayan ng mga celebrity na ito na simple lang ang kanilang pamumuhay sa likod ng kamera.
Katulad ni Heart Evangelista, kahit nakakapagsuot ng iba't ibang magagarbong damit at nakakabili ng mamahaling mga bagay ay pinili pa rin ang ibang produktong Pinoy, lalung-lalo na mula sa Sorsogon.
Bukod kay Heart, silipin ang buhay ng iba pang mga artista sa likod ng kamera rito:
Heart Evangelista
International fashion at style icon man kung tawagin, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ni Heart Evangelista sa mga produkto ng Pilipinas dahil siya mismo ang namili sa Sorsogon ng mga ilalabas niya sa "Maison Love Marie."
Jinkee Pacquiao
Bagamat nakakaraos na sila sa buhay, hindi pa rin kinalilimutan ni Jinkee Pacquiao ang buhay nila sa probinsya noon. Sa katunayan, noong quarantine ay tinuruan niya ang kanyang mga anak kung paano mano-manong maglaba ng mga damit, katulad ng ginagawa niya dati.
Mary Divine Grace Pacquiao at Queen Elizabeth Pacquiao
Hindi pinalampas ni Jinkee na ma-experience nina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth ang pagsakay ng kalabaw nang pumunta sila sa Sarangani.
Andi Eigenmann
Mula noong iniwan ni Andi Eigenmann ang showbiz ay payak na siyang namumuhay sa isla ng Siargao sa Mindanao. Sa katunayan, may nakakita noon kay Andi habang siya ay naka-angkas sa motor habang may bitbit na drum.
Paul Salas
Sa halip na ipa-carwash, si Paul Salas na mismo ang naglinis ng kanyang kotse habang walang ginagawa sa bahay noong lockdown.
Pokwang
Busy man sa kanyang buhay bilang artista at single mom, sinisigurado pa rin ni Pokwang na pinagluluto niya ang kanyang anak na sina Mae at Malia.
Marian Rivera
Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera mismo ang nagluto ng mga handa sa unang buwan ng kanyang panganay na anak na si Zia na isinilang noong November 23, 2015.
Kris Bernal
Katulad ng maraming tao, mahilig din mag-shopping ang aktres na si Kris Bernal. Pero noong nag-iipon pa siya para sa kanyang dream house, naghihintay rin siya ng sale kagaya ng mga simpleng tao.
Jennylyn Mercado
Alam niyo bang dumadayo pa sa University of the Philippines (UP) Diliman ang aktres na si Jennylyn Mercado upang mag-ensayo kasama ang kanyang mga kaibigan? Bukod sa pagiging aktres, isa ring triathlete si Jennylyn.
Ryan Agoncillo
Habang commercial ang 'Eat Bulaga,' lumabas muna saglit ang host nitong si Ryan Agoncillo upang kumain ng mga tusok-tusok.
John Lloyd Cruz
Hindi rin nahihiya ang aktor na si John Lloyd Cruz na sumakay ng pampublikong sasakyan dahil may mga nakakita sa kanya habang nakasakay sa UP Ikot na jeep.
John Lloyd Cruz at Ellen Adarna
Hindi na nakakagulat na simple lang ang pamumuhay ni John Lloyd dahil noong panandalian niyang iniwan ang showbiz, sila mismo ng aktres na si Ellen Adarna ang naggo-grocery noong magkarelasyon pa sila.
Alden Richards
Dahil sa dami ng biyayang kanyang natatanggap, binabalik rin ni Asia's Multimedia Star ito sa mga tao tuwing kanyang kaarawan. Sa katunayan, noong 2016 ay mas pinili ni Alden na makasama ang mga Aeta ng Bamban, Tarlac.
Wally Bayola
Bago maging artista ay simpleng tao lamang si Wally Bayola kaya naman kahit nakagawa na siya ng pangalan sa industriya, hindi iniwan ni Wally ang mga nakagisnan niya tulad ng pagwawalis sa labas ng bahay.
Paolo Ballesteros
Hindi pihikan sa pagkain si Paolo Ballesteros dahil kapag siya ay gutom ay game na game siyang kumain sa mga karinderya ng mami, goto, at barbeque sa tabi-tabi.
Maine Mendoza
Katulad ng maraming bata noon, paborito rin ni Maine Mendoza ang candy na Haw Haw hanggang sa naging artista na siya.
Kris Aquino
Noong nagbakasyon sa Hawaii si Kris Aquino, pinagbakasyon niya rin ang kanyang mga kasambahay kaya't siya na muna ang nahugas ng kanilang mga pinagkainan.
James Blanco
Bukod sa pagiging artista, mukhang nakahanap na rin ng iba pang pagkakakitaan ang aktor na si James Blanco dahil siya muna ang nagluto ng iba't ibang Pinoy street foods.
China Cojuangco
Isa nang chef ang dating artista na si China Conjuangco ngunit hindi pa rin mawawala ang kanyang pagkahilig sa chicken balls at tokneneng.
Gardo Versoza
Kapag walang taping ay nagiging busy sa kusina si Gardo Versoza upang magluto ng pancit para sa isang charity. Dahil mahilig rin siya magbisikleta, madalas rin siyang mag-organisa ng iba't ibang charity rides para sa mga kasamahan niya.
Howie Severino
Isa nang haligi ng GMA News and Public Affairs si Howie Severino ngunit hindi nawala sa kanya ang pagiging bike commutter mapa-trabaho man o hindi.
Chariz Solomon
Noong bata pa ang mga anak ni Chariz Solomon ay humahanap talaga siya ng oras para makapag-pump ng kanyang breast milk.
Ryan Agoncillo
Bukod sa galing sa paghohost at pagkuha ng litrato, maalam din si Ryan Agoncillo sa pag-aayos ng kung anu-ano tulad ng mga cabinet o pinto. Ito na rin kasi ang nagiging bonding nila ng kanyang ama.
Jak Roberto
Hands on ang aktor na si Jak Roberto sa mga alaga nilang aso. Sa katunayan, siya na mismo ang nagpapaligo at nagpapatuyo sa kanila.
Laura Lehmann
Biktima rin si Laura Lehmann ng traffic sa EDSA kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumakay sa MRT para hindi mahuli sa kanyang trabaho.
Gretchen Barretto
Sosyal mang sa harap ng mga kamera, marunong pa rin si Gretchen Barretto kumain nang nakakamay at maghugas ng mga pinagkainan.
Sharon Cuneta
Busy man ang nag-iisang megastar na si Sharon Cuneta, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para sa kanyang pamilya. Sa katunayan, pagkatapos ng kanyang showbiz commitments ay sumama siya sa kanyang pamilya na manood ng 'Black Panther.'
Ellen Adarna
Galing sa mayamang pamilya sa Cebu ang aktres na si Ellen Adarna ngunit sa kabila nito ay marunong siya sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba.
Piolo Pascual
Katulad ng iba, mahilig rin magkutkot ng kanyang kuko sa paa si Piolo Pascual, lalong-lalo na kapag naghihintay.
Bianca Gonzales
Lumabas ang kasimplehan ni Bianca Gonzales nang siya ay ikasal sa basketball player na si JC Intal dahil imbis na mamahaling gown ay isang ready-to-wear gown ang kanyang isinuot.
Kylie Padilla at Baby Alas
Artista man ang kanyang mga magulang, na-experience rin ni Baby Alas na maligo sa batya imbis na sa magarbong bath tub.
Diana Zubiri
Timeout muna sa taping ang aktres na si Diana Zubiri para kumain ng masarap na Pinoy street foods.
Iya Villania
Imbis na bumili ng pabango para sa closet ay mga sabon ang ginagamit ni Iya Villania sa kanilang closet.
Solenn at Erwan Heussaff
Kahit maari namang bumili at kumain sa iba't ibang restaurant, iba pa rin ang sarap kapag lutong bahay, at 'yan ang pinatunayan ng magkapatid na Solenn at Erwan Heussaff.
Thylane Katana
Mahilig rin sa taho ang anak si Solenn at Nico Bolzico na si Thylane Katana kaya kinatuwaan ito ng netizens.
Gabbi Garcia at Ruru Madrid
Tuwing break sa taping, enjoy sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa sorbetes na tinitinda sa gilid ng kalsada.
Barbie Forteza, Andre Paras, at Derrick Monasterio
Sa shoot ng programang 'The Half Sisters,' enjoy na enjoy sina Barbie Forteza, Andre Paras, at Derrick Monasterio sa pagkain ng Balutkahit na may araw pa.
Glaiza de Castro
Wala nang kailangan pang patunayan si Glaiza de Castro sa pagiging aktres pero simple pa rin ang kanyang kinakain, katulad ng chicken siomai na nakapuwesto lang sa gilid ng kalye.
Danica Sotto
Hindi na masyadong napapanood sa telebisyon si Danica Sotto dahil busy na siya sa kanilang kusina. Sa katunayan, si Danica mismo ang nagbe-bake ng pan de sal na sakto tuwing umaga at hapon.
Bettinna Carlos
Hands on na hands on ang dating aktres na si Bettina Carlos sa kanyang dating negosyo na pagbe-bake ng pastries na siya mismo ang pumupunta sa tindahan para mamili ng kanyang gagamiting sangkap.
Bitoy
Nakagawa na ng pangalan si Michael V sa pagpapatawa pero paminsan minsan ay binabalikan niya pa rin ang kanyang kabataan noong nakatira pa sila sa tenement, lalong-lalo na tuwing kumakain siya ng ice candy.
Jennica Garcia
Bago bumalik sa showbiz, naging hands-on mom at businesswoman si Jennica Garcia. Si Jennica mismo ang sumasakay sa jeep at pumupunta ng Divisoria upang bumili ng materyales na kailangan sa kanilang negosyo.
Anne Curtis
Napabalik-tanaw ang aktres na si Anne Curtis nang bumili siya ng taho sa anak ng dati nilang suki na si Mang Boy noong nakatira pa sila sa Mandaluyong.
Nadine Samonte
Isa sa pinakamasarap na meryenda ay ang fishballs at isa na rin si Nadine Samonte sa mga nahihilig dito.
Christine Bersola-Babao
Ang paboritong snack ng broadcast journalist na si Christine Bersola-Babao ay ang masarap na kamias na may kasamang asin.
Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach
Kinoronahan na bilang Miss Universe si Pia Wurtzbach noon ngunit enjoy pa rin siya sa isang boodle fight kasama ang kanyang nobyo noon na si Marlon Stockinger.
Patricia Tumulak
Galing man sa may kayang pamilya, gustung-gusto pa rin ni Patricia Tumulak ang mga simpleng bagay katulad ng pagkain ng sorbetes.
Bae-by Baste
May kaya man ang pamilya ni Bae-by Baste, hindi mapili sa pagkain ang cute na child actor. Tortang talong at tuyo lang ay okay na okay na si Baste!
Kitchie Nadal
Noong kinasal si Kitchie Nadal, napagdesisyonan niyang magsuot ng gown na nagkakahalaga lamang na 799 pesos.
Lovi Poe
Kapag walang trabaho, ang aktres na si Lovi Poe mismo ang bumibili ng kanilang mga pagkain at kailangan sa bahay sa mga grocery.
Michael V and Jake Vargas
May kanya-kanya man silang sasakyan, pinili pa rin nina Michael V at Jake Vargas na sumakay sa LRT.
Chynna Ortaleza at Kean Cipriano
Pinatunayan nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na kahit anong gawin ay masaya basta't magkasama silang dalawa, tulad na lang ng pagsakay ng tricycle.
Kim Domingo
Walang arte kung kumain ang aktres na si Kim Domingo dahil bukod sa nakakamay siya ay nakataas rin ang isa niyang paa sa upuan.
Aiai Delas Alas and Sancho Delas Alas
Noong nakatira pa sa Pilipinas si Aiai Delas Alas, hindi siya nahihiyang ipakita ang kanyang simpleng buhay kasama ang anak na si Sancho Delas Alas.
Tuesday Vargas
Bukod sa pagiging artista, isa ring events planner ang komedyanteng si Tuesday Vargas. Alam niyo bang siya mismo ang pumupunta sa Dangwa upang mamili ng mga bulaklak? Pumupunta rin si Tuesday sa UP Diliman upang kumain sa Rodic's.
Neri Naig
Kilala ang aktres na si Neri Naig sa kanyang pagiging wais sa pera kaya naman hindi niya inaalintana na maputikan basta maiayos niya lamang ang kanyang maliit na garden.
John Lloyd Cruz
Nang magpahinga si John Lloyd sa mundo ng showbiz, simple siyang namuhay sa Cebu. Sa katunayan, nagpapagupit siya sa isang local barber shop sa presyong 40 pesos.
Coco Martin
Hindi laki sa yaman si Coco Martin kaya naman kahit ngayon ay gustong-gusto pa rin niyang kinakain ang isaw.
Patricia Tumulak
Habang naka-break ang taping ng 'Magkaagaw,' fish ball break muna ang aktres na si Patricia Tumulak.
Sinon Loresca
Nakarating na ang tinaguriang "King of the Catwalk" na si Sinon Loresca ngunit hindi pa rin niya kinalimutan ang kanyang kinalakihan.
Andre Paras
Para kay Andre Paras, ang kanyang "source of happiness" ay ang pagkain ng iba't ibang street food.
Angel Locsin
Noong marami pa ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, hindi nagdalawang isip ang aktres na si Angel Locsin na tumulong sa mga medical frontline workers.