Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Dingdong Dantes, excited sa pagdating ng kanilang “Little Marian”

Updated On: March 13, 2020, 11:38 PM
“Nagbibilang na lang ako ng mga araw...halos hindi kami makatulog" - Dingdong on his "Little Marian"
By CHERRY SUN

“I’m looking forward to the coming little Marian.”

Ito ang naging masayang pahayag ni Dingdong Dantes nang kanyang kumpirmahin sa panayam ng 24 Oras na babae ang panganay nila ni Marian Rivera.

READ: It’s a girl for Dingdong Dantes and Marian Rivera 

Dagdag pa ng Pari Koy star, “Nagbibilang na lang ako ng mga araw, so eagerly waiting na kami. Halos hindi kami makatulog and mas lalong nagaganahan kami sa pang-araw-araw naming ginagawa dahil sa paparating na blessing na ito.”

Ikinuwento ni Dingdong sa parehong ulat na hindi nahihirapan sa pagbubuntis si Marian. Sa katunayan pa nga ay ine-encourage niya ito na mag-exercise para lalong maging healthy.

“She’s very diligent in terms of pagsusunod sa doktor. She’s very healthy,” wika ng expecting dad.

LOOK: 5 expectant celebrity dads

May plano kaya ang Dantes couple na manganak si Marian sa ibang bansa?

“Dito syempre, Pilipino tayo eh,” tiyak na sagot ni Dingdong.
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.