HIGHLIGHTS: Jillian Ward's explosive galaxy-themed 18th birthday party
Usap-usapan ngayon ang katatapos lang na engrandeng debut ni Jillian Ward.
Ilan sa mga nakadalo sa 18th birthday party ni Jillian ay ang kaniyang mga kaanak, mga kaibigan, at mga katrabaho sa show business.
Present din sa most-awaited event ang ilang GMA Executives, at mga nakatrabaho niya noon sa ilang TV shows.
Silipin ang pasabog na galaxy-themed birthday party ni Jillian sa gallery na ito.
Jillian Ward
Ginanap ang 18th birthday ni Jillian Ward noong February 23, ngunit napagdesisyunan niyang i-celebrate ito noong Sabado ng gabi, February 25, 2023.
Theme
Galaxy theme ang napiling tema ni Jillian Ward para sa kaniyang party. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktres, ikinuwento niyang gusto niyang unique at magmala-out of this world ang look ng naturang event.
Venue
Idinaos ni Jillian Ward ang kaniyang engrandeng debut sa The Cove, Okada Manila sa Parañaque City.
Gown
Suot ang kaniyang Mak Tumang galaxy-themed ball gown, nagkaroon pa ng pictorial si Jillian Ward bago magsimula ang kaniyang birthday party.
18 roses
Ilang kilalang mga aktor ang kabilang sa 18 roses ni Jillian Ward, tulad na lamang ng kaniyang 'Abot-Kamay Na Pangarap' co-stars na sina Jeff Moses at Dominic Ochoa, GMA's First Vice President of Program Management Department na si Joey Abacan, Sparkle actor na si Ken Chan, Sen. Bong Revilla, Miggs Cuaderno, members ng local band na Magnus Haven, at ilang kamag-anak at kaibigan ng aktres.
Last dance
Para sa last dance na parte ng 18 roses ni Jillian Ward, natunghayan ng mga bisita ang sweet moment ng aktres habang kasayaw niya ang kaniyang daddy na si Elson Penzon.
18 candles
Kabilang sa 18 candles ni Jillian Ward ay sina GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Senior Talent Manager Joy Marcelo, Carmina Villarroel, Pinky Amador, Gladys Reyes, Wilma Doesnt, Che Cosio, Kazel Kinouchi, Yasmien Kurdi, Sanya Lopez, Ciara Sotto, at ilan pang mga kaibigan ng aktres.
18 shots
Parte naman ng 18 shots ni Jillian Ward ang ilan sa kaniyang non-showbiz friends at mga kasabayan sa show business.
Kabilang dito sina Elijah Alejo, Althea Ablan, Kate Valdez, Michael Sager, Zephanie, 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Eunice Lagusad at John Vic De Guzman, at marami pang iba.
Cake
Agaw-pansin sa gilid ng stage ang kakaibang cake ni Jillian Ward, kung saan napanood ang slide show ng ilan sa Instagram photos ng aktres.
Dance number
Bukod sa kaniyang pasabog na grand entrance, ginulat din ni Jillian Ward ang kaniyang guests sa pamamagitan ng isang dance number.
Duet
Sa kalagitnaan ng event, nakipag-duet pa si Jillian Ward sa banda na Magnus Haven na minsan na niyang nakasama sa isang music video.
Sweets
Sa bandang gilid ng stage, ilang sweets at iba pang cakes ni Jillian Ward ang nakahilera na handog niya rin sa kaniyang mga bisita.