Naging panata na raw ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas ang ipagdiwang ang birthday ng Virgin Mary tuwing September 8. Ngayon taon, isang fundraising concert ang kanyang balak gawin. By MICHELLE CALIGAN
Naging panata na raw ni Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas ang ipagdiwang ang birthday ng Virgin Mary tuwing September 8. Ngayon taon, isang fundraising concert ang kanyang balak gawin.
"'Di ba may taunan akong pa-birthday kay Mama Mary? Ngayon, gagawin ko siyang concert for Mama Mary para matulungan ko 'yung simbahan sa tabi ng Iglesia [ni Kristo] sa Fairview," referring to the Kristong Hari Parish in Quezon City.
Bakit kaya ito ang simbahang napili niyang tulungan?
"Anliit kasi. Gusto nila malaki talaga na simbahan. Mayroon man lang akong maiwang legacy na may naipatayo akong simbahan sa buong buhay ko. Doon man lang, 'di ba?"
She credits most of her success to her devotion to the Virgin Mary, which is why she never forgets to give back.