Kinuwento niya kay Cata Tibayan sa 24 Oras na mahilig siyang kumanta at mag-practice ng mga paboritong kanta sa kanyang bahay, lalo na sa shower.
“Noong 3 po ako, kinanta ko po ‘yung “Man in the Mirror”, ‘yung buo po [nun] kaya ko rin po na-discoverna gusto ko ring kumanta,” saad ng sampung taon gulang na aktres.
Nagpatikim ang child actress ng high notes ng kantang Emotions ni American singer Mariah Carey at ng Isang Lahi na kinanta naman ng Asia’s Songbird Regine Velasquez na nais niyang maka-duet.
Dahil dito, napagpasiyahan niya nang kumuha ng voice lessons para hasain pa ang kanyang talento sa pagkanta.
Kamakailan lamang ay nag-showdown siya kasama ang Asia’s Got Talent finalist na si Gwyneth Dorado sa Sunday All Stars.