LOOK: Alden Richards directs his Myriad Esports Cup
Mula sa pagiging mahusay na aktor, pinasok na rin ng tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang mundo ng e-sports.
Ngayon, isa na ring ganap na direktor si Alden ng kanyang sariling e-sports tournament.
Nitong Sabado, January 28, ang Kapuso actor mismo ang nagsilbing direktor ng grand finals ng Myriad Esports Cup na ginanap sa Ynares Arena sa Pasig City.
Silipin ang work mode ng direktor na si Alden sa gallery na ito:
Director
Bukod sa pagiging isa sa mga pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon, isa na ring ganap na direktor ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Focus
Sa harap ng maraming screens at monitor, focused si Alden sa kanyang trabaho bilang direktor ng grand finals ng Myriad Esports Cup.
Work Mode
Matulis ang tingin ni Alden sa lahat ng screens sa kanyang harapan upang matutukan ang laban.
New adventure
Bago man sa pangingin ng mga tao, tila napaghandaan na rin ni Alden ang mag-direk ng isang e-sports cup.