Where is Aleck Bovick now?
Naaalala n'yo pa ba si Aleck Bovick?
Siya ang dating sexy star na sumikat sa kanyang mga erotic movie noong early 2000s gaya ng 'Tampisaw' (2002), kung saan pinarangalan siyang Best Actress ng FAMAS noong 2003 para sa kanyang paaganap bilang Marites.
Napanood din si A-leck sa mga pelikulang 'Kaulayaw' (2002), 'Masarap Na Pugad' (2002), Hiram' (2003), at 'Naglalayag' (2004) kung saan niya nakasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Bago sumabak sa pinilakang tabing, lumabas muna si Aleck sa GMA sitcom na 'Beh Bote Nga' noong 1999. Naging parte din siya supporting cast ng GMA primetime series na 'Sana Ay Ikaw Na Nga' (2001-2003) at 'Habang Kapiling Ka' (2002-2003). Nagkaroon din siya ng guest appearance sa sketch comedy show na 'Nuts Entertainment' noong 2004.
Noong 2007, pansamantalang nilisan ni Aleck ang showbiz nang isilang niya ang kanilang anak ng dating nobyo, ang kapwa niya sexy star na si Carlo Maceda.
Nakabalik din naman si Aleck sa pag-arte matapos ang ilang taon at gumawa ng mga proyekto sa GMA at sa iba pang istasyon.
Tingnan ang buhay ngayon ni Aleck sa gallery na ito:
Japan
Bago pinasok ang showbiz, nagtrabaho bilang GRO at model si Aleck Bovick sa Japan noong teenager pa lamang siya.
Showbiz
Nagsimula ang acting career ni Aleck Bovick noong 1999 nang mag-guest siya sa GMA sitcom na 'Beh Bote Nga,' na pinagbidahan nina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
Launching movie
Ipinakilala si Aleck Bovick bilang sexy star sa pelikulang 'Kaulayaw' na ipinalabas noong 2002. Nakasama niya rito sina Barbara Milano, Roy Alvarez, Julio Diaz, at Allen Dizon.
Best Actress
Noong 2003, nakuha agad ni Aleck ang kanyang kauna-unahang Best Actress award na iginawad ng FAMAS. Ito ay para sa pagganap niya bilang Marites sa 2022 movie na 'Tampisaw.' Noong 2005, muli siyang pinarangalan ng FAMAS para naman sa performance niya sa 2004 movie na 'Naglalayag.' Dito ibinigay sa kanya ang titulong Best Supporting Actress.
More movies
Isa sa mga maiinit na celebrity si Aleck sa kanyang panahon kaya patuloy ang pamamayagpag niya sa paggawa ng mga sexy film. Napanood din siya sa mga pelikulang 'Masarap na Pugad (2002), 'Kerida' (2003), 'Hiram' (2003), at 'U Belt' (2004) bago namayagpag sa TV.
GMA shows
Ilan sa mga programa ng GMA noong early 2000s na kinabilangan niya ay ang 'Habang Kapiling Ka' (2002-2003), 'Sana Ay Ikaw Na Nga' (2001-2003), at 'Nuts Entertainment' noong 2004.
Reality show
Gumawa ng ingay si Aleck nang nagpakalbo siya on national TV sa isang reality show sa kabilang istasyon noong 2006. Ginamit ang kanyang buhok para sa paggawa ng wig ng mga cancer patient.
Mother
Nag-focus naman sa kanyang pamilya at sa pagiging ina si Aleck nang isilang niya ang anak nila ni Carlo Maceda na si Leonne Lancelot noong January 2007. Naghiwalay ang showbiz couple noong 2008 dahil umano sa isyung third party. Naintriga rin na lesbian si Aleck.
Weight gain
Tumigil na sa pagpapa-sexy si Aleck nang lumaki ang timbang niya matapos manganak. Gayunpaman, hindi siya nahihiyang i-display ang kanyang katawan sa harap ng camera. Patunay diyan ang kanyang pictures sa Instagram.
What We Could Be
Matapos ang ilang taon, muling napanood si Aleck sa isang teleserye sa GMA. Kabilang siya sa cast ng GMA Telebabad series na 'What We Could Be,' kung saan gumanap siya bilang ina ng character ni Ysabel Ortega.
38th birthday
Noong May 18, 2022, nagpasalamat si Aleck Bovick sa mga mensahe at pagkaing natanggap sa kaniyang ika-38 taong kaarawan.