IN PHOTOS: Meet the stunning daughters of Pinoy celebrities
Ang maliliit at cute na mga anak noon ng ilang showbiz personalities ay mga dalaga na ngayon!
Kabilang sa female showbiz royalties sina Lorin at Venice Gutierrrez Bektas, Juliana Gomez, Lala Vinzon, Cassy Legaspi, Inah de Belen, Atasha Muhlach, Kendra Kramer, at marami pang iba.
Ang ilan sa celebrity beauties ay sumunod sa yapak ng kanilang showbiz parents habang ang iba naman ay hinahasa ang kanilang talento sa iba't ibang larangan.
Kilalanin ang mga charming celebrity daughters sa gallery na ito.
Lorin Bektas
Si Lorin Bektas ay ang panganay na anak ng showbiz royalty na si Ruffa Gutierrez sa ex-husband nito na si Yilmaz Bektas. Sa ngayon, si Lorin ay isang college student sa Pepperdine University sa America.
Venice Bektas
Si Venice Bektas ay ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Maagang namulat sa showbiz sina Venice at ang nakatatanda nitong kapatid na si Lorin dahil una silang lumabas sa commercials.
Juliana Gomez
Si Juliana Gomez ay ang nag-iisang anak ng longtime couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres. Sa 'Chika Minute' exclusive interview noong 2021, ibinahagi ni Juliana na ang kanyang main focus ay academics at sports.
“This year and ever since I entered college, I've been really putting my heart into what I think I should be doing right now. That's sports and graduating. I've really been working on that aspect of my life a lot,” pagbabahagi niya kay Nelson Canlas.
Cassy Legaspi
Ang Kapuso star na si Cassy Legaspi ay ang unica hija ng showbiz couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Sumunod ang Sparkle artist sa yapak ng kanyang mga magulang at kasama pa ito ni Carmina sa Saturday morning program na 'Sarap, 'Di Ba?'
Lala Vinzon
Si Kapuso actress Isabella “Lala” Vinzon ay isa sa apat na anak ni veteran action star Roi Vinzon at former band vocalist Jeany David-Vinzon.
Bukod sa pagiging artista, kabilang din si Lala sa candidates ng Binibining Pilipinas 2022.
Atasha Muhlach
Si Atasha Muhlach ay isa sa kambal na anak nina seasoned actor Aga Muhlach at Binibining Pilipinas Universe 1994 Charlene Gonzalez. Sa ngayon, nag-aaral si Atasha ng business-related course sa United Kingdom.
Kendra Kramer
Maraming netizens ang sumubaybay sa paglaki ng panganay na anak nina Doug at Chesca Kramer na si Kendra. Ibinabahagi ng celebrity kid sa Instagram ang kanyang stylish OOTDs at photoshoots na umaani ng libo-libong likes mula sa netizens.
Bukod dito, marami ang nagsasabi na kahawig ni Kendra si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Claire Castro
Ang Sparkle actress na si Claire Castro ay isang showbiz royalty dahil siya ay anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva.
Brianna Bunagan
All grown up na ang anak ni comedy genius Michael V. na si Brianna. Noong 2021, naging official Kapuso na si Brianna matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Amanda Lucia Carlos
Dalaga na ang nag-iisang anak ni Bettinna Carlos na si Amanda Lucia “Gummy” Carlos. Ipinagdiwang ni Gummy ang kanyang 11th birthday nitong March 7.
Erika Rae Poturnak
Si Erika Rae Poturnak ay ang panganay na anak ng aktres na si Ina Raymundo sa kanyang Ukranian-Canadian husband na si Brian Poturnak.
Tanya Ramos
Ang Kapuso teen star na si Tanya Ramos ay ang anak na babae ni seasoned actor Wendell Ramos sa kanyang asawa na si Kukai Guevarra.
Kabilang si Tanya sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada.
Inah de Belen
Ang aktres na si Inah De Belen ay anak ng dating celebrity couple na sina Janice de Belen at John Estrada. Naging bahagi si Inah ng ilang Kapuso programs tulad ng 'Oh My Mama,' 'Ika-5 Utos,' at 'Kambal, Karibal.'
Angelina, Sam, and Chesca Cruz Montano
Malalaki na ang mga anak ni Sunshine Cruz na sina Angelina, Sam, at Chesca Cruz Montano. Makikita sa Instagram posts ng seasoned actress ang masasayang bonding moments nito kasama ang kanyang tatlong anak.
Leila Alcasid
Si Leila Alcasid ay ang anak ni singer Ogie Alcasid sa kanyang ex-wife na si former beauty queen Michelle Van Eimeren.
Jayda Zaragoza
Ang talented artist na si Jayda Zaragoza ay ang anak ng singer couple na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Ipinagdiwang ni Jayda ang kanyang 18th birthday noong June 2021.
Ysabel Ortega
Ang Sparkle actress na si Ysabel Ortega ay ang anak ng senador na si Lito Lapid at singer-actress Michelle Ortega.
Frankie Pangilinan
Si Frankie Pangilinan, o Kakie, ay ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at Francis “Kiko” Pangilinan.
Kylie Padilla
Isa si Kapuso actress Kylie Padilla sa apat na anak ni Robin Padilla sa dating asawang si Liezl Sicangco. Sinundan ni Kylie ang yapak ng kanyang ama at maagang pinasok ang showbiz.