IN PHOTOS: Celebrities na nanalo sa #Eleksyon2022
Sa Eleksyon 2022, maraming artista at personalidad ang tumakbo sa iba't ibang posisyon, mapa-national man o local.
Nangunguna sa listahan ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Isko Moreno na parehong tumakbo bilang Pangulo. Tumakbo naman bilang bise presidente ang longtime 'Eat Bulaga' host na si Tito Sotto.
Hindi lang si Tito ang nag-iisang Sotto na tumakbo dahil ang kanyang anak na si Gian ay muling nanalo bilang vice mayor ng Quezon City, at ang pamangkin niyang si Vico Sotto ay muling nahalal bilang mayor ng Pasig City.
Bukod kina Gian at Vico, kilalanin ang iba pang mga personalidad na nagwagi ngayong Eleksyon 2022.
Robin Padilla
Pinakamaraming boto na nakuha sa pagkasenador ang aktor na si Robin Padilla, ayon sa pinakahuling official tally ng National Board of Canvassers. Kaya noong May 18, naiproklama na siya ng Comelec bilang isa sa mga bagong senador ng Pilipinas.
Yul Servo
Matapos ang isang termino sa House of Representatives, naluklok si Yul Servo bilang vice mayor ng Maynila.
Lani Mercado-Revilla
Matapos magsilbing mayor ng Bacoor ng siyam na taon, muling nanalo si Lani Mercado-Revilla bilang congresswoman ng second district ng Cavite.
Richard Gomez
Samantala, nangunguna naman upang pumalit sa pwesto ni Lucy Torres Gomez bilang congressman ng fourth district ng Leyte si Richard Gomez.
Lucy Torres Gomez
Nahalal bilang mayor ng Ormoc City si Lucy Torres Gomez at papalitan niya ang kanyang asawang si Richard Gomez.
Angelu de Leon
Wagi bilang konsehal ng second district ng Pasig City ang aktres na si Angelu de Leon.
Paul Artadi
Makakasama ni James sa konseho ng San Juan ang kanyang dating teammate na si Paul Artadi.
Nash Aguas
Ayon pa rin sa partial at unofficial tally, nasa-ikalawang puwesto at maluluklok ang aktor na si Nash Aguas bilang councilor ng Cavite City.
Jason Abalos
Mauupo bilang provincial board member ng second district ng Nueva Ecija ang aktor na si Jason Abalos.
James Yap
Matagumpay naman ang pagsabak ni James Yap sa pulitika dahil panalo rin siya bilang councilor ng San Juan.
Gian Sotto
Muling nahalal si Gian Sotto, ang anak ng vice presidential aspirant at longtime 'Eat Bulaga' host na si Tito Sotto, bilang vice mayor ng Quezon City.
Jolo Revilla
Samantala, ang anak naman ni Lani na si Jolo ay nanalo bilang congressman ng first district ng Cavite.
Charo Soriano
Magsisilbing councilor ng Tuguegarao City ang volleyball player na si Charo Soriano, na kapatid rin ng 'It Girl' na si Bea Soriano-Dee.
Arjo Atayde
Nanalo ang aktor na si Arjo Atayde laban sa incumbent congressman ng first district ng Quezon City na si Onyx Crisologo.
Alex Castro
Wagi naman bilang vice goveror ng Bulacan ang running mate ni Daniel at dating aktor na si Alex Castro.
Lou Veloso
Mananatiling konsehal sa sixth district ng Maynila ang aktor at komedyanteng si Lou Veloso.
Jhong Hilario
Nanalo ang actor at politician na si Jhong Hilario ng kanyang third term bilang councilor ng first district ng Makati City.
Niña Jose Quiambao
Naluklok bilang mayor ng Bayambang, Pangasinan ang aktres na si Niña Jose Quiambao kung saan papalitan niya sa posisyon ang asawang si Cezar Quiambao.
Kiko Rustia
Muling naluklok sa konseho ng Pasig ang dating host ng 'Born to be Wild' na si Kiko Rustia.
Dan Fernandez
Magsisilbing congressman ng lone district ng Santa Rosa, Laguna ang aktor na si Dan Fernandez.
Javi Benitez
Nahalal bilang mayor ng Victorias, Negros Occidental ang Star Magic actor na si Javi Benitez.
Ina Alegre
Muling naluklok bilang mayor ng Pola, Oriental Mindoro ang dating beauty queen at aktres na si Ina Alegre o Jennifer Cruz sa totoong buhay.
Aiko Melendez
Matagumpay na nakabalik si Aiko Melendez sa konseho ng Quezon City matapos niyang manalo sa fifth district.
Vandolph Quizon
Muling nahalal si Vandolph Quizon bilang konsehal ng first distict ng Paranaque City.
Leren Bautista
Magsisilbing konsehal ng lone district ng Los Baños, Laguna ang beauty queen na si Leren Bautista.
Ryan Yllana
Makakasama ni Jomari ang kanyang kapatid na si Ryan sa konseho ng Paranaque matapos itong manalo sa second district ng lungsod.
Macky Mathay
Wagi bilang konsehal ng second district ng San Juan City ang boyfriend ni Sunshine Cruz at kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay.