Celebrity moms na mukha pa ring dalaga
Kabilang sina Marian Rivera, Kristine Hermosa, Iya Villania, at Jean Garcia sa certified mommies na nananatili pa ring sexy at young-looking.
Sino-sino pa kaya ang katulad nila?
Kilalanin ang ilan pang celebrity moms na hanggang ngayon ay napapagkamalan pa ring dalaga sa gallery na ito.
Marian Rivera
Ang Kapuso Primetime Queen at 'Tadhana' host na si Marian Rivera ang mommy ng adorable kids na sina Zia at Ziggy.
Ina Raymundo
Ang actress at model na si Ina Raymundo ay mayroong limang anak sa kanyang asawa na si Brian Poturnak. Sila ay sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.
Max Collins
Ang Kapuso actress at model na si Max Collins ay isa pa rin sa hottest female celebrities.
Saab Magalona
Si Saab Magalona ay isang hands-on mom sa kanyang dalawang anak na lalaki na sina Pancho at Vito.
Camille Prats
Ang 'Mars Pa More' host na si Camille Prats ay mukha pa ring bagets kahit siya ay isang busy mom.
Trina Candaza
Fresh na fresh pa rin si Trina Candaza, ang mommy ni Enola Mithi.
Samantala, kilalanin ang celebrities na hot mommas sa gallery na ito:
Beauty Gonzalez
Ang Kapuso star na si Beauty Gonzalez ay ang loving mom ng 9-year-old girl na si Olivia.
Jennica Garcia
Si Jennica Garcia ay ang glowing mom nina Athena Mori and Alessi.
Sophie Albert
Matagal mang nawala sa showbiz matapos ipanganak ang cute na cute na si baby Avianna, nanatiling mukhang dalaga ang Sparkle artist na si Sophie Albert.
Carmina Villarroel
Ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' star na si Carmina Villarroel ay madalas pa ring mapagkamalan na isang dalaga.
Siya ang mommy ng twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Jodi Sta. Maria
Ramdam n'yo na ba ang summer season sa litrato na ito ng 'Unbreak My Heart' star at celebrity mom na si Jodi Sta. Maria?