Celebrity Life

Kuya Germs, balik-trabaho sa DZBB radio program

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 3, 2020 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kailan kaya siya magbabalik telebisyon?
By CHERRY SUN

Makaraan ang tatlong buwan ay muli nang narinig ang boses ni German “Kuya Germs” Moreno sa Walang Siesta, ang kanyang radio program sa Super Radyo DZBB.

READ: Kuya Germs, patuloy na bumubuti ang kalagayan matapos ma-stroke

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Kuya Germs para sa mga taong sumuporta sa kanya habang nagpapagaling sa naranasang mild stroke.

Sambit niya sa panayam ng 24 Oras, “Na-excite ako at lalong higit ‘yung mga tao, naramdaman ko ‘yung kanilang panalangin at pag-alala. Ako’y nagpapasalamat, unang una sa ating Kapuso, ang ating big boss. Thank you for the support, at ‘yung aking mga fairy god mother na tinatawag.”

Marami na ring nag-aabang sa pagbabalik ng Master Showman sa kanyang late night show na Walang Tulugan. “By surprise din” ang naging maiksi niyang sagot nang tanungin siya kung kailan siya muling mapapanood sa naturang palabas.

Ikinatuwa rin ng mga kaibigan ni Kuya Germs sa industriya ang kanyang pagbabalik-trabaho.

Ani Marian Rivera, “At least ngayon masaya tayong lahat dahil nadyan na ulit si Kuya Germs. Sana magpalakas siya at i-enjoy niya ang buhay niya. Nandito kaming mga kaibigan niya, nagmamahal sa kanya.”

Nagpahayag din ng paalala at pagbati ang kanyang matatalik na kaibigang sina Gloria Romero at Nora Aunor.

Saad ni Gloria, “I’m so happy for him. Alam mo, ‘yan ang pinagdadasal namin pareho, at hindi lang siya, maraming tagahanga niya na siya’y gumaling kaagad, maging strong pero wag masyado ma-stress. My compadre, congratulations. You’re back to work. God is really good.”

“Ang mga katigasan ng ulo ay iwasan natin. Sinasabihan kasi ako nyan noong araw na matigas din ang ulo ko. Pero sa kanya talaga sa ngayon lalo na pagdating sa trabaho, medyo hinay-hinay ng konti kasi syempre hindi na tayo bumabata,” wika naman ni Nora.

Matatandaang nakaranas ng mild stroke si Kuya Germs noong Enero kaya pansamantala siyang lumiban sa kanyang trabaho sa radyo at telebisyon. Ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang physical therapies para tuluyang gumaling.

Video courtesy of GMA News