The beautiful life and career of Carmina Villarroel through the years
Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Carmina Villarroel at maituturing na isa siya sa pinakakilalang artista magpahanggang ngayon.
Nagsimulang makilala sa mundo ng entertainment si Carmina noong 1986 nang mapasama sa isang fast food commercial. Makalipas ang isang taon, sa edad na 12, napasama si Carmina sa pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa kung saan ginampanan nito ang batang karakter ni Diamond Star Maricel Soriano.
Isa si Carmina sa pinakahinahangaang batang aktres noong dekada '90 kung saan kabilang ito sa tinatawag na "Regal Babies" kasama sina Aiko Melendez at Ruffa Gutierrez.
Minsang ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla at naghiwalay noong 1997 matapos ang tatlong taong pagsasama.
Sa ngayon, mahigit walong taon ng kasal si Carmina kay Zoren Legaspi at biniyayaan na rin sila ng kambal na anak na sina Maverick "Mavy" Peter Legaspi at Maria Cassandra "Cassy" Legaspi.
Noong Disyembre 2021, napanood ang mag-asawang Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso series together sa drama anthology series na 'Stories From The Heart: The End of Us.'
Ngayong 2022, muling masasaksihan si Carmina sa upcoming GMA Telebabad series na 'Widows' Web,' kung saan isa siya sa mga pangunahing karakter.
Patuloy naman na mapapanood ang aktres sa Kapuso talk show na 'Sarap, 'Di Ba?' tuwing Sabado ng umaga sa GMA.
Balikan ang buhay ni Carmina Villarroel bilang isang artista at isang magulang:
Patuloy na mapapanood ang pamilya nina Carmina at Zoren sa GMA talk show na Sarap 'Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado, 10:00 a.m.
Balikan ang buhay ni Carmina Villarroel bilang isang artista at isang magulang:
Mapapanood din sina Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso series together na Stories from the Heart: The End Of Us sa GMA Afternoon Prime.
Dekada '90
Kuha ang larawan na ito nina Aiko Melendez, Carmina Villarroel, at Ruffa Guttierez noong dekada '90 sa pelikulang 'Underage' kung saan gumanap silang magkakapatid.
Eat Bulaga
Kapwa naging host ng 'Eat Bulaga' mula 1989-1995 sina Carmina Villarroel at Aiko Melendez.
Monica
Noong 1988, ginampanan ni Carmina Villarroel ang karakter ni Monica sa horror film na 'Tiyanak' ng Regal Films.
Sis
Mula 2003 hanggang 2010, naging host ng GMA morning talk show na 'Sis' si Carmina Villarroel kasama ang magkapatid na sina Janice de Belen at Gelli de Belen.
Surprise
Ikinasal sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi noong November 15, 2012 kung saan mismong sa araw rin na iyon naganap ang kanilang wedding proposal.
Wedding
Isa sa pinakaengrandeng kasal noong 2012 ang kasalang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Ang inakala ni Carmina noon na isa lamang commercial shoot ay siyang kasal na niya pala.
Family
Kasama ni Zoren Legaspi sa paghahanda sa kasal ang kanyang dalawang anak na sina Cassy at Mavy. Ito ay para bigyan ng engrandeng sorpresa si Carmina Villarroel.
Cassy
Sumunod na rin sa yapak nina Carmina at Zoren sa pag-aartista ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Huling napanood si Cassy sa GMA series na 'First Yaya' bilang si Nina Acosta.
Mavy
Naging emosyunal si Carmina nang magpaalam sa kanya si Mavy para sa lock-in taping ng GMA series na 'I Left My Heart in Sorsogon.' Ibinahagi ni Carmina sa Instagram ang larawang ito noong July 12, 2021 kung saan makikitang yakap-yakap nito ang anak habang umiiyak.
Sarap 'Di Ba?
Tuwing Sabado ng umaga, mapapanood sa GMA talk show na 'Sarap 'Di Ba?' ang buong pamilya ni Carmina Villarroel.
Silver
Bukod sa pagiging host, pinasok na rin ni Carmina ang pagiging vlogger kung saan natanggap niya noong Marso ang kanyang Silver Play Button sa YouTube. Kasalukuyang mayroong 388,000 subscribers ang YouTube channel ng aktres.
Dulce
Noong Pebrero, ginampanan ni Carmina Villarroel ang karakter ni Dulce sa GMA Afternoon Prime na 'Babawiin Ko Ang Lahat' kasama sina Pauline Mendoza, Liezel Lopez, John Estrada, Tanya Garcia, Kristofer Martin, at Dave Bornea.
Birthday
Noong August 17, 2021, ipinagdiriwang ni Carmina Villarroel ang kanyang 46th birthday. Bago pa man ang kaarawan, una na siyang sinorpresa ng kanyang ama at mga kapatid ng isang masayang salusalo.
46th birthday
Kasama ni Carmina Villarroel sa kanyang 46th birthday celebration ang asawang si Zoren Legaspi at ang kambal na sina Cassy at Mavy.
Family picture
Ayon kay Carmina Villarroel, ang una nilang family picture ay kuha ng namayapang celebrity photographer na si Raymund Isaac, na kaibigan na nilang mag-asawa noon pa man.
Best actress
Sa naganap na 'A Night of Horror Film Festival 2021' sa Australia, nakamit ni Carmina Villarroel ang karangalang "Best Performance in an International Film" para sa pelikulang 'Sunod,' na unang ipinalabas noong 2019.
Maggie Corpuz
Noong Disyembre 2021, gumanap si Carmina bilang si Maggie Corpuz, isang middle class career woman, sa afternoon drama anthology na 'Stories From The Heart: The End Of Us.'
First Kapuso project together
Sa pambihirang pagkakataon, katambal ni Carmina ang kanyang asawa na si Zoren sa nasabing teleserye.