IN PHOTOS: Ruby Rodriguez's life in the US
May 2021 nang lumipad patungong Amerika ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez.
Akala ng kanyang fans ay nagbabakasyon lamang ang komedyante para makasama ang kanyang anak na si Toni Aquino na doon nakabase.
Ngunit, nasorpresa ang lahat nang i-post ni Ruby na empleyado na siya ng Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Ayon kay Ruby, permanent resident siya sa Amerika, gayundin ang kanyang asawang si Mark Aquino at dalawa nilang anak na sina Toni at AJ.
Sa katunayan, April 2020 pa dapat nasa Amerika si Ruby ngunit na-delay ito dahil sa travel restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, may mas matindi pang dahilan kung bakit pumunta ng Amerika si Ruby at ito ay para ipagamot ang bunso niyang si AJ, na isang special student at may rare autoimmune disease.
“'Yung sa rare autoimmune niya, kidneys niya kasi ang nadali. So, diyan sa Philippines na biopsy na siya lahat, so he's being treated para hindi siya ma-transplant 'yun ang ina-avoid. So, dinala ko siya dito for medical purposes," bahagi ni Ruby sa panayam ni Lhar Santiago noong June 1 sa showbiz segment ng 24 Oras na "Chika Minute."
Noong 2021, nagsimula manilbihan si Ruby Rodriguez para sa Philippine Consulate General sa Los Angeles. Dahil sa kanyang tungkulin, nakakasalamuha niya pa rin ang ilang Pinoys abroad at pati mga artista na dumarayo sa Amerika.
Tingnan ang buhay ni Ruby sa Amerika sa gallery na ito:
US citizen
Sampung taon nang residente si Ruby Rodriguez ng Amerika kaya pabalik-balik siya roon. Doon na rin naka-base ang lahat ng kanyang kapatid.
Relocation
Kung tatanungin daw si Ruby kung permanente na siyang maninirahan sa Amerika, ayaw niyang magsalita ng tapos. Saad niya sa digital press conference ng Viva Artist Agency, "Hindi natin alam kung ano ang mangyayari tulad no'ng dumating ang pandemic. Alam ba natin na darating 'yan? Di ba, hindi? We don't know what's going to happen."
Eat Bulaga
Sa nasabing press conference, nilinaw ni Ruby na hindi siya umalis sa 'Eat Bulaga' dahil nagpaalam lamang siyang mag-break sa kanyang hosting duties para pumunta ng Amerika para ipagamot ang kanyang anak. Paliwanag ng ngayo'y Viva talent, "Actually, hindi ako umalis, kasi nagpaalam ako na magle-leave of absence lang ako. Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, 'You will always have a home here in 'Eat Bulaga'.'' At, siyempre, inaasahan ko 'yun, so when they started to go on air, it's their decision kung sino pababalikin nila. So, hindi ko alam. Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila." Binigyan-diin naman ni Ruby na nire-respeto niya ang desisyon ng management ng 'Eat Bulaga' at nananatili pa rin ang linya ng komunikasyon niya sa mga dating katrabaho.
Job
Mahirap mamuhay sa dayuhang bansa kaya hindi nakampante si Ruby at nag-apply sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California at natanggap. "I applied, I went to the proper channels. Hindi po ako appointed, I went through the proper channels, I gave my CV, I gave all the requirements. All their tests, lahat! Para matanggap ako dito," bahagi niya.
Son's health
Umiral ang pagiging ina ni Ruby kaya pumunta siya sa Amerika, kung saan mas advanced ang medical treatment. Ito ay para ipagamot ang anak na si AJ na may Henoch-Schonlein purpura, isang rare autoimmune disease na tumitira sa kidney. Nakaaantig na sabi ni Ruby, "Since kailangan n'ya ng medical treatment dito, alangan namang wala ang ina. Pwedeng wala ang ama pero ang ina, hindi. Family first, it's my son. Bakit ba tayo nagtatrabaho? Para sa mga anak ko lalong-lalo na sa kanya, para kay AJ."
Medication
May stage two nephritis si AJ kaya nais nilang iwasan na ma-dialysis ito o, mas matindi pa nito, sumailalim sa kidney transplant sa murang edad.
Education
Bukod sa medical attention, nais din daw mabigyan ni Ruby ng tamang edukasyon ang bunsong anak dahil isa rin itong special student.
Simple life
Habang hinihintay ni Ruby ang kanyang mag-ama, na lilipad sa Agosto papuntang Amerika, ipinapakita niya sa kanyang Instagram account ang kanyang simpleng buhay doon tulad ng pagsakay sa subway.
Family
Higit sa lahat, nakaka-bonding ni Ruby ang kanyang panganay na anak na si Toni at ilan pa niyang kamag-anak doon.
Reunited with Ice Seguerra
Noong September 2021, muling nagkita si Ruby at ang kaniyang kaibigan at daing katrabaho, si Ice Seguerra, sa Amerika. Sa Instagram ipinost ni Ice ang selfie nila ni Ruby na may caption na, “Sooooo happy to see you again!!!! Loooove you.”
Catching up with EB Babe Hopia and That's My Bae Hotties
Muli namang nagkita-kita sa U.S. si Ruby at sina EB Babe Hopia, "That's My Bae" Hotties na sina Joel Palencia at Tommy Peñaflor. Sa post, sinabi ni Ruby na talagang na-miss na niya makakulitan ang mga kaibigan sa 'Eat Bulaga.'
Gawad Amerika
Nakatanggap ng pagkilala si Ruby mula sa Gawad Amerika Foundation dahil sa kaniyang mga gawa at dedikasyon na ipagmalaki ang kulturang Pilipino sa ibang bansa.
Flower fields
Bumisita rin si Ruby kasama ang kanyang anak na si AJ sa Carlsbad Flower Fields, ang ekta-ektaryang flower fields na namumulaklak mula March hanggang May. Ang taunang pamumulaklak ng Giant Tecolote Ranunculus flowers ay hudyat ng simula ng Spring sa Southern California.
Los Angeles Fashion Week
Dumalo si Ruby sa opening night ng Los Angeles Fashion Week F/W 2022 Season kung saan itinampok ang mga gawa ng Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco.
Reunited with Jaya
May 2022 nang muling magkita ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez at ang kanyang kaibigan, ang Soul Diva na si Jaya, na kasalukuyan na ring naninirahan sa Amerika kasama ang pamilya.
Ruby meets Carlo
Noong August 2022, muling nagtagpo ang landas ni Ruby Rodriguez at ng kanyang dating katrabaho na si Carlo Aquino habang nasa California noon ang huli para sa isang proyekto.
"Cousins" reunite
Mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nina Ruby Rodriguez at ng kanyang itinuturing na pinsan na si Tom Rodriguez nang muli rin silang magkita sa Los Angeles, California nitong October 2022.
Children
Madalas na kasama ni Ruby ang kanyang dalawang anak ngayong nasa Amerika na ang kanyang buong pamilya.
Carlo Aquino
Isa si Carlo Aquino sa mga dumalaw kay Ruby noong nagbakasyon ito sa Amerika.
"The little boy i worked with is now a certified Man and a great actor at that. Nice seeing you again @jose_liwanag Carlo Aquino," ani ni Ruby sa kanyang IG.
Jose Manalo
Labis ang tuwa ni Ruby ng makasama muli ang co-host niya noon na si Jose Manalo.
"Look who visited me! My buddy legit dabarkads Jose Manalo. Miss u brad lalo na sa pasalu para sa mga bagets!!!"
Alden Richards and Michelle Dee
Binsita rin siya nina Miss Universe Philippines Michelle Dee at Alden Richards sa Amerika.
"m so happy to be re-united with my anak @aldenrichards02 and the beautiful @michelledee," saad ni Ruby.
Maine
She reunited with Maine Mendoza while she was in LA. Ruby wrote in a social media post, "It was so nice the feeling of seeing you both after such a long time as Mr&Mrs @mainedcm @arjoatayde So happy to be of help Thank you for the chat, safe trip and till the next time we see each other again."