Filtered By: Celebrity Life | News
jelai andres and the men in her life
Celebrity Life

IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Jelai Andres

Isa si Jelai Andres sa mga itinuturing Internet sensation sa bansa na matagumpay na nakapasok sa mundo ng showbiz.

Bukod sa kanyang vlogs na milyun-milyong views, madalas din nagiging laman ng mga balita si Jelai dahil sa mga kontrobersyal na nangyari sa kanyang buhay pag-ibig.

Noong nagsimulang mag-vlog si Jelai, magkasama pa sila ng dati niyang kasintahan na si Jon Gutierrez o King Badger ng Ex-Battalion.

Sumikat ang dalawa sa mga nakakakilig at nakakatuwang vlogs nila bilang Team JoLai.

Naging mag-nobyo sina Jon at Jelai noong 2015.

Nang sumunod na taon, unang napabalitang naghiwalay ang dalawa dahil umano sa pambababae ni Jon.

Ngunit nagkaayos din ang dalawa noong 2017 at nag-propose si Jon kay Jelai noong August ng taon na 'yon, habang nagpe-perform ang kanilang grupong Ex-Battalion.

Nagpakasal ang dalawa noong October 6, 2018 sa Fernwood Gardens sa Tagaytay City.

Ngunit noong February 2019 ay nagpahiwatig na sa mga cryptic posts sa social media si Jelai na nagkakaroon na sila ng problema bilang mag-asawa.

At noong April 2019, kinumpirma ni Jelai na sila'y nagkahiwalay ni Jon dahil nahuli raw niya ulit ito na nambababae.

Noong September 2019, muling nagkasama sina Jon at Jelai sa Kapuso series na 'One of the Baes.'

Dito nagsimulang maging malapit muli ang mag-asawa at nakita na rin silang magkasama sa ilan sa kanilang mga vlogs.

Nagkatrabaho ulit sina Jon at Jelai sa series na 'Owe My Love' na nagsimulang umere nito lamang Pebrero.

Ngunit sa kasamaang palad, bago pa man umamin ang dalawa na muli silang nagkabalikan, ibinulgar ni Jelai sa social media nitong Marso na muli umano siyang niloko ng asawang si Jon.

Hindi pa malinaw kung talagang tutuldukan na ng dalawa ang kanilang kasal, ngunit sa ngayon patuloy lang si Jelai sa pag-focus sa kanyang career at handa na raw siyang magsimula ng bagong buhay matapos ang kanilang hiwalayan.

Kilalanin ang ilan sa mga lalaki sa buhay ni Jelai Andres sa gallery na ito.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.