Meet Hannah Precillas, the Kapuso OST Princess
Tinaguriang "OST Princess" ang Kapuso singer na si Hannah Precillas dahil maraming beses na siyang umaawit ng official theme songs ng mga paborito ninyong Kapuso shows.
Kinanta ni Hannah ang theme songs ng drama series na 'Kambal, Karibal,' 'Onanay,' 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka,' 'Hahamakin Ang Lahat,' 'Little Princess,' at marami pang iba.
Bahagi rin siya ng 'All-Out Sundays' girl group na Queendom at isang recording artist ng GMA Music.
Noong 2019, nakamit ni Hannah ang third place sa 'D'Academy Asia 5,' kung saan napamangha niya ang judges sa pagkanta niya ng Indonesian songs.
Kilalanin pa ang OST Princess na si Hannah Precillas sa gallery na ito.
Hannah Precillas
Marami nang napahanga ang Kapuso singer na si Hannah Precillas sa kaniyang angking husay sa pagkanta.
OST Princess
Binansagan si Hannah na OST Princess sapagka't marami nang Kapuso drama series ang naawitan niya ng makabagbag damdaming theme songs.
Bet Ng Bayan
Itinanghal si Hannah na "Bet Sa Kantahan" nang lumahok siya sa 2014 Kapuso talent search na 'Bet Ng Bayan.'
Dangdut Academy Asia
Sumali naman si Hannah sa Indonesian singing competition na 'Dangdut Academy Asia' noong taong 2019 kung saan nakapasok siya sa grand finals at nagtapos bilang second runner-up.
New Single
Nitong September 2020, nag-release si Hannah ng kaniyang bagong single na "Sabi Ko Na Nga Ba" under GMA Music.
Once Upon A Kiss
Ang kaunaunahang theme song na inawit ni Hannah ay ang "One Day I'll Find You" para sa 2015 drama series na 'Once Upon A Kiss' na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Marimar
Si Hannah ang boses sa theme song ng 2015 adaptation ng iconic telenovela na 'Marimar' starring Megan Young and Tom Rodriguez.
Once Again
Naka-duet ni Hannah ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio nang awitin nila ang theme song na "Iibigin Kang Muli' para sa 2016 series na 'Once Again' tampok ang tambalan nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica.
Hahamakin Ang Lahat
Sina Hannah at Kristoffer Martin naman ang nag-duet para sa theme song na "Nang Dahil Sa'yo" ng 2016 drama 'Hahamakin Ang Lahat.' Pinagbidahan ito nina Kristoffer at Joyce Ching.
Kambal, Karibal
Muling narinig ang boses ni Hannah sa isang BiGuel soap nang awitin niya ang theme song ng 2017 supernatural-drama series na 'Kambal, Karibal.' Marami ang humanga kay Hannah sa pagbirit niya ng kantang 'Kanlungan.'
Saimdang
Inawit ni Hannah ang Mikoy Morales original na "Sana" para sa Korean historical drama na 'Saimdang: Soulmates Across Time' na napanood sa GMA noong 2017.
Hindi Ko Kayang Iwan Ka
Binigyan naman ni Hannah ng sariling rendition ang "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" ni Sheryn Regis para sa 2018 Kapuso advocaserye of the same title. Tampok rito ang mahuhusay na aktor na sina Yasmien Kurdi, Mike Tan, at Jackie Rice.
Kapag Nahati Ang Puso
Si Hannah rin ang kumanta ng "Di Maisip" na theme song ng 2018 drama na 'Kapag Nahati Ang Puso' starring Bea Binene, Sunshine Cruz, and Benjamin Alves.
Onanay
Nag-cover rin si Hannah ng Carol Banawa classic na "Awit Ni Inay" na ating napakinggan sa high-rating 2018 family drama na 'Onanay' na pinagbidahan nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry, Cherry Gil, at Nora Aunor.
Pamilya Roces
Kabilang ang kanta ni Hannah na "Ako'y Naiiba" sa official sound track ng 2018 series na "Pamilya Roces." Parte ang mga Kapuso actresses na sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Jasmine Curtis-Smith, at Shaira Diaz sa cast nito.
Hiram Na Anak
Kinanta ni Hannah ang theme song ng 2019 Kapuso drama 'Hiram Na Anak' na "Kung Walang Ikaw" tampok sina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, at Leanne Bautista.
'All-Out Sundays'
Naging isa rin si Hannah Precillas sa regular singers ng weekend musical variety show 'All-Out Sundays.'
Queedom
Isa si Hannah sa miyembro girl group ng 'All-Out Sundays,' ang Queendom.