Celebrity Life

Mikael Daez, posibleng isama si Megan Young sa bakasyon after ‘Ang Lihim ni Annasandra’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 11:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kasama nga ba si Miss World 2013 Megan Young sa vacation plans ni Mikael?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Dahil magtatapos na ang Afternoon Prime soap na Ang Lihim ni Annasandra ngayong linggo, sa wakas ay magkakaroon na rin ng chance si Kapuso actor Mikael Daez na makapagpahinga. Halos araw-araw kasi ang taping ng nasabing show kaya’t wala siyang pagkakataong makapag-relax nang matagal.

Sa interview sa Unang Hirit, ibinihagi ni Mikael na nais niyang mag-travel. Inisa-isa ng aktor ang mga lugar na gusto niyang puntahan.

“Within the Philippines, Camiguin [ang] gusto kong puntahan. Palawan, gusto ko [ring] puntahan. I want Baguio, sana soon na 'yon kasi habang malamig pa. Around the world, New York kasi magkakaroon na ng direct flight from Manila to New York,” saad ni Mikael.

Dahil sa pagkaka-link ni Mikael kay Miss World 2013 Megan Young, hindi naiwasang itanong sa kanya kung isasama niya ba ang rumored girlfriend sa kanyang bakasyon.

“Puwede,” sagot ng Ang Lihim ni Annasandra star.

Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring confirmation ng kanilang relationship, hindi rin nakaiwas si Mikael sa tanong tungkol dito.

Friends lang ba talaga sila? “So ito 'yung friendship, lahat ng puwede above friendship [ay] puwede pa. Pero baka mataas 'yung ceiling ng friendship na 'yon,” pagpapaliwanag ni Mikael.

Tikom pa rin ang bibig ni Mikael tungkol sa issue kaya’t sinubukan naming tanungin ang co-stars niya sa Ang Lihim ni Annasandra na sina Andrea Torres at Cris Villonco. Nagbigay naman sila ng kani-kanilang comments tungkol sa issue.