IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Kiray Celis
Kilalanin ang mga lalaking nagpakilig, nagmahal, naging inspirasyon, at marahil nagpaiyak kay Kiray Celis sa gallery na ito.
Stephan Estopia
Happy in a relationship ngayon si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.
Kirst Viray
Naging maugong ang pangalan ni Kiray Celis nang ma-link siya sa actor-model na si Kirst Viray. Nilinaw ng aktres na magkaibigan lang sila at hindi sila naggamitan upang mas sumikat.
Derek Ramsay
Nakasama ni Kiray Celis si Derek Ramsay sa pelikulang 'Love is Blind,' at ang Kapuso hunk daw ang best kisser sa lahat ng kanyang naging leading men.
Kean Cipriano
Naging leading man ni Kiray Celis si Kean Cipriano sa pelikulang 'Love is Blind' kung saan nagkatuluyan ang kanilang mga karakter sa huli.
Enchong Dee
Nagsama sina Kiray Celis at Enchong Dee sa romantic-comedy film na 'I Love You To Death.'
Polo Ravales
Bumida sa isang ghost-themed romantic-comedy na pelikula si Kiray Celis, ang 'Portrait of My Love.' Dito niya naging leading man si Polo Ravales.
Igi Boy Flores
Maituturing si Igi Boy Flores bilang first love team partner ni Kiray Celis. Ang dalawa ay parehong nagsimula bilang child stars sa isang programa sa Kapamilya network.
Michael V
Kahit noong bata pa, iniidolo na ni Kiray Celis si Michael V. Muling nabuhay ang kanyang pangarap na makatrabaho ang Kapuso comedy genius at content creator nang lumipat ang aktres sa Kapuso network.
Gary Valenciano
Close si Kiray Celis kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Malapit man sila, nananatiling mataas ang respeto niya rito na kanyang tinuturing din na mentor at kaibigan.