IN PHOTOS: Pinoy celebrities na ka-doppelganger ang ilang foreign celebs
Namamalik-mata ka ba?
Minsan 'pag may nakita kang ilang celebrity na magkamukha mapapa-double take ka talaga. Maraming fans na rin ang nakakapansin ng pagkakahawig ng ilang Pinoy celebrities sa Hollywood at Korean stars.
Para sa inyong katuwaan, tingnan ang ilang Pinoy celebs na may kamukhang foreign stars. Naks! Pang-international nga naman ang ganda!
Maggie Q at Solenn Heussaff
Pak na pak lagi ang awrahan ni Maggie Q at Solenn Heussaff sa kani-kaniyang Instagram accounts. Tulad ni Solenn, mahilig rin sa adventures si Maggie at pareho silang may carefree attitude pagdating sa kanilang lifestyle.
Jaime Lorente at Nico Bolzico
Kamakailan, maraming fans ang nagsasabing kamukha ni Argentinian businessman Nico Bolzico ang 'Money Heist' actor na si Jaime Lorente. Ani Nico game na game siyang makilala ang Spanish actor sa hinaharap.
Selena Gomez at Leila Alcasid
Parehong maganda at talented sa pagkanta sina Selena Gomez at ang anak ni Ogie Alcasid na si Leila.
Lee Young Ae at Marian Rivera
Tingin pa lang, mahahalina ka na sa ganda ni Marian Rivera at ang Korean look-alike niyang si Lee Young Ae. Petition para sa Filipino adaptation ng 'Jewel in the Palace,' ano sa tingin n'yo?
Sattaphong "Tao" Phiangphor at Ruru Madrid
Pwede na rin maging Thai actor si Ruru Madrid! Pati fashion, kuhang-kuha!
Leighton Meester at Georgina Wilson
Maliban sa kanilang deep set eyes at bone structure, pareho ring "It Girls" sina Leighton Meester at Georgina Wilson.
Jessie J at K Brosas
Na-imagine mo bang kumakanta si K Brosas ng Domino? E, si Jessie J na nag-stand up?
Taeyang at Kris Lawrence
I'm sure, aaminin ni Kris Lawrence na malaking ehemplo sa kanya si Taeyang, especially sa fashion!
Urassaya Sperbund at Catriona Gray
Pang malakasan rin ang genes nina Urassaya Sperbund at Catriona Gray! Sino ang Miss Universe ng buhay n'yo? Ang hirap pumili.
Elizabeth Taylor at Amalia Fuentes
Ngayon nainitindihan mo na kung bakit tinawag na Elizabeth Taylor of the Philippines si Amalia Fuentes noong panahon niya.
Audrey Hepburn at Barbara Perez
Boyish haircut, check! Bold eyebrows, check! Talaga namang malilito ko sa dalawa.
Anne Curtis-Smith at Kylie Jenner
May ilang fans ang nakapansin ng pagkakamukha nina Anne Curtis Smith at reality star Kylie Jenner. Maliban sa looks, pareho silang may makeup line na talagang pinipilahan ng kani-kaniyang fans--BLK Cosmetics para kay Anne Curtis habang Kylie Cosmetics naman para kay Kylie Jenner.
Darren Espanto at RM
May ilang nagsasabing uncanny ang pagkakahawig ni Pinoy singer Darren Espanto at ang leader ng Korean pop group BTS na si Kim Namjoon.
Kylie Padilla at Han Seo Hee
Mahahalata din ang pagkakahawig ni Kapuso actress Kylie Padilla at 'A World of Married Couple' star Han Seo Hee. Kaya naman kung magkaroon man ng Pinoy adaptation ang K-drama, pwedeng pwede si Kylie para sa role na Yeo Da-kyung na ginagampanan ni Han Seo Hee ngayon.
Richard Juan and Kim Soo-hyun
Marami ang nagsasabing kamukhang-kamukha ni Richard Juan ang Korean actor na si Kim Soo-hyun. Kaya naman hindi mapigilan ni Richard Juan na gayahin ang aktor nang sumikat ang 'It's Okay To Not Be Okay.'
Pamela Prinster and Dua Lipa
Tingin pa lang, mahahalina ka na sa ganda ni Pamela Prinster at ang ka-look-alike niya na si Dua Lipa.