IN PHOTOS: Isko Moreno from 'That's Entertainment' to "yorme" of Manila
Isang bata ng Tondo na naging matinee idol dahil sa 'That's Entertainment,' 'yan si Isko Moreno bago pasukin ang mundo ng politika. Balikan ang kanyang throwback photos dito.
Isko Moreno
Bago makilala bilang alkalde ng Maynila si Isko Moreno, dumaan muna siya sa hirap at sa pag-a-artista.
Class picture
Mahanap niyo kaya siya sa kanyang lumang class picture? Kahit noong bata pa ay pansin ang pagiging mestizo ni Isko Moreno.
Artistahin
Kahit bata at simple lang, pansin ang pagiging artistahin ni Isko Moreno. Kaya naman, hindi kataka-takang makakuha siya ng atensyon at makapasok sa mundo ng showbiz.
Teen star
Nagsimula ang pagsikat ni Isko Moreno bilang isa sa teen stars ng dating Kapuso show ni German “Kuya Germs” Moreno, ang 'That's Entertainment.'
Sikat
Mas lumawak ang kasikatan ni Isko Moreno nang siya'y maging leading man ni Claudine Barretto sa pelikulang 'Muntik Na Kitang Minahal' noong 1994. Ang litratong ito ay kuha behind the scenes sa Baguio, kasama ang isa pa niyang co-star na si Beverly Salviejo.
That's Entertainment days
Kahit sikat na si Isko Moreno, nakikisalamuha pa rin siya sa mga taga-Tondo.
Kaibigan
Ang litratong ito na kuha noong 90s ay pruwebang nanatili pa rin siyang malapit sa mga kaibigan niya sa Cebu.
Japan
Abot din sa mga kababayan sa ibang bansa ang popularidad ni Isko Moreno. Ito ay kanyang kuha kasama ang isang tagahanga sa Roppongi, Tokyo, Japan noong 1993.
Cachupoy hair
Dumaan din sa tinatawag na Cachupoy hairstyle si Isko Moreno pero hindi pa rin maitanggi ang kagwapuhan niya.
Reunion
Hindi nakalimutan ni Isko Moreno ang kanyang mga guro. Kita sa litratong ito ang kanyang pagbisita sa kanyang grade 2 teachers. Ayon pa sa post ay 1st honor daw si yorme noon.
'That's Entertainment' reunion
Hindi nakakalimot sa kanyang pinanggalingan si Isko. Nananatili siyang close sa kanyang 'That's Entertainment' co-stars at nakasama niya ang mga ito nang alalahanin nila ang kaarawan ng yumaong si German “Kuya Germs” Moreno.