Rajo Laurel, Mak Tumang, at iba pang Pinoy designers, nagbayanihan para health workers
Kilalanin ang ilan sa mga Pinoy designers na gumawa ng kani-kanilang mga paraan para makapaghatid ng PPE at face masks sa mga medical frontliners.
Rajo Laurel
Si Rajo Laurel ay isa sa mga Pinoy designers na naglaan ng kanyang oras at talento ngayong kinakaharap ng bansa ang COVID-19.
Prototype
Ibinahagi ni Rajo ang kanyang prototype ng PPE o Personal Protective Equipment na kanyang ginawa para sa mga frontliners.
Masks
Ilang libong masks naman ang ipinadala ni Dom sa mga staff ng ospital. Ilan sa mga ospital na tumanggap ng kanyang masks ay ang Philippine General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Children's Hospital, at Qualimed Hospital.
Michael Leyva
Ang designer na si Michael Leyva ay isa rin sa mga Pinoy designers na tumugon sa kakulangan ng PPE, face masks, at head covers ng mga frontliners.
With Angel Locsin
Nakipagtulungan si Michael Leyva kay Angel Locsin para sa pagbabahagi nito sa mga ospital.
Patty Ang
Si Patty Ang na kilala bilang designer ng iba't ibang personalidad ay nagbahagi rin ng kanyang oras para makatulong.
Patty's post
Saad ni Patty sa kanyang post, "As part of our role to help our country, we at @atelierpattyang will conduct all efforts to create PPEs to help our dear front liners. Mag tulungan po tayo, kaya natin ito!"
Mak Tumang
Si Mak Tumang ay isa rin sa mga designers na tumugon sa pangangailangan ng mga health workers ng PPE.
His donation
Ayon sa post ng designer, sa kanilang pagtutulungan ng kanyang mga kaibigan ay um-order sila ng PPE mula sa Changsa, China. Dagdag pa niya, "We have raised enough for 20,000 suits but we need help collecting donations for the remaining 20,000."
Rosenthal Tee
Kilala si Rosenthal Tee sa paggawa ng bridal gowns at RTW evening wear. Pero ngayong kinakaharap ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic, pinili ni Rosenthal na ibahagi ang kanyang oras sa pagtulong sa mga frontliners.
Materials
Tulad ng ibang designers, nagpapatulong rin si Rosenthal na makahanap ng angkop na materyales para masigurong ligtas ang mga health workers na gagamit nito sa paggamot ng pasyente na may COVID-19.
Mich Dulce
Ang designer na si Mich Dulce ay isa rin sa mga tumugon sa panawagan ng mga health workers.
Design
May paglilinaw si Mich sa kanyang recent post tungkol sa PPE. Aniya, "While the use of our patterns and techpack are medically REVIEWED to be the best version of a DIY suit, it will NEVER be medical grade. These are two different things. To be medical grade they need to be made in a sterile environment and have to pass so many tests."
YouTube video
Dahil may YouTube channel rin ang home-based designer na si Cen, ipinakita niya kung paano gawin ang kanyang PPE.
Puey Quiñones
Nakipag-usap si Puey Quiñones kay Mich Dulce para mapabilang sa Pinoy designers na magpo-produce ng PPEs.