
Isang araw bago ang kanyang 24th birthday ngayong Martes, April 29, nagbigay ng kasiyahan si Faith Da Silva sa mga bata sa Maynila sa pagsasagawa ng feeding program.
Sa post ng fans ni Faith na sina Rica Tangco, Kyla Marie Baylon, at Roselieann Bonganciso, na ibinahagi ni Faith sa kanyang Instagram stories, kitang-kita ang saya ng Sang'gre actress habang nagbibigay ng pagkain sa mga bata.
Isa sa mga lugar na pinuntahan ni Faith ay ang San Andres Bukid sa Manila.
Samantala, abala ngayon si Faith sa nalalapit na pag-ere ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan mapapanood siya bilang Sang'gre Flamarra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy.
Bukod sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, napapanood si Faith bilang host sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.
Happy birthday, Faith Da Silva!