GMA Logo David Licauco
Celebrity Life

David Licauco, nag-relax sa beach ngayong Holy Week

By Marah Ruiz
Published April 19, 2025 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Nag-relax muna by the beach si David Licauco ngayong Holy Week.

Relaxation mode na si Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco ngayong Holy Week break.

Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni David ang ilang pictures niya habang nagre-relax sa beach sa isang private luxury resort.

Hindi mawawala sa aktor ang hilig niya sa fitness at exercise kaya sinubukan din niyang sumali sa isang session ng pickleball.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)




Ngayong araw, Black Saturday, ang cinema premiere ng pelikula ni David na Samahan ng mga Makasalanan.

Gagaganap siya rito bilang Deacon Sam, isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa.

Makakasama ni David sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.

NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:

Panoorin ang Samahan ng mga Makasalanan simula ngayong Black Saturday, April 19, sa mga sinehan nationwide.