IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Kris Bernal
Kilalanin ang mga lalaking naging bahagi ng professional at personal lives ni Kapuso actress Kris Bernal.
Martin Escudero
Si Martin Escudero ang katambal ni Kris nang manalo silang Ultimate Love Team sa fourth season ng 'StarStruck.'
Aljur Abrenica
Nakitaan ng chemistry ang tambalang Kris at Aljur Abrenica kaya maraming teleserye ang kanilang pinagbidahan. Ilan sa mga ito ang 'All My Life,' 'The Last Prince,' 'Coffee Prince,' at 'Prinsesa ng Buhay Ko.'
Rocco Nacino
Nakasama rin ni Kris si Rocco Nacino sa 'Koreana,' pati na rin sa 'Time of My Life' at 'Hiram na Alaala.'
Mark Herras
Naging leading man ni Kris si Mark Herras sa 'Time of My Life' at 'Hiram na Puso.' Gumanap din silang magkapatid sa 'Little Nanay.'
Renz Fernandez
Bukod sa pagiging co-stars sa 'Prinsesa ng Buhay Ko' at 'Little Nanay,' napabalitang niligawan ni Renz Fernandez si Kris. Ayon sa aktres, bigla na lamang daw ito tumigil
Dennis Trillo
Inamin ni Kris na crush niya ang kayang 'Hiram na Alaala' leading man na si Dennis Trillo
Hiro Peralta
Nagkasama sa 'Little Nanay' sina Kris at Hiro Peralta
Carl Guevara
Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Kris at Carl Guevara. Sa isang interview, ikinuwento ng aktres na on-and-off ang kanilang relasyon.
Lucho Ayala
Naging leading man naman ni Kris si Lucho Ayala sa stage play na 'Noli at Fili Dekada Dos Mil.'
Perry Choi
Soon-to-be Mrs. Choi na si Kris Bernal! Nag-propose kay Kris ang kanyang boyfriend/business partner na si Chef Perry Choi isang Linggo bago ang Valentine's Day ngayong 2020.
Rafael Rosell
Si Rafael Rosell ang magiging onscreen partner ni Kris sa upcoming Afternoon Prime series na 'Impostora'