Pinoy celebrities na may dugong Chinese
Ilan sa malalaking pangalang sa show business ay proud sa kanilang Chinese heritage!
Una sa listahan ang Pambansang Ginoo na si David Licauco - ang kaniyang ina ay Filipino-Chinese at kaniyang ama naman ay pure Filipino.
May dugong Tsinoy din ang international fashion icon and influencer na si Heart Evangelista.
Sa isang panayam noong 2021, ibinahagi ni Heart of Love Marie Ongpauco ang kuwento tungkol sa kaniyang Lola Chit na nagtayo ng sikat na restaurant na Barrio Fiesta.
Sabi niya noon sa isang panayam ng Philstar, “It was our grandmother Chit Evangelista who started Barrio Fiesta, she had Chinese blood and liked to cook. Our grandfather Gen. Bonifacio Ongpauco had a film production company called Everlasting Pictures. My lola (grandma) was fond of cooking, so she catered the shootings and became famous because the stars would crave her crispy pata, that's how Barrio Fiesta started.”
Kilalanin pa ang ilan sa showbiz personalities na may lahing Chinese sa gallery na ito!
David Licauco
Bago pa man siya sumabak sa acting, una munang nakilala ang Kapuso heartthrob na si David Licauco nang sumali siya sa Mr. and Ms. Chinatown noong 2014.
Ken Chan
Inamin ng 'My Special Tatay' star na si Ken Chan sa panayam ng 'Power House' na ang pamilya niya ay Buddhist.
Kisses Delavin
May dugong Chinese rin ang aktres na si Kisses Delavin. Chinese ang kanyang ina samantalang half-Spanish, half-Filipino naman ang kanyang ama.
Chris Tiu
Sa litratong ito, nag-pose si Chris kasama ang litrato ni Tiu Hun Chiong (middle frame), ang kanyang great grandfather na nagsilbing ika-limang principal ng Tiong Se Academi, ang una at pinakamatagal nang itinayong Chinese school sa bansa.
Inanunsyo sa social media ni Chris na siya ay magre-retiro sa paglalaro ng basketball. Huling team sa PBA ng 'iBilib' host ang Rain or Shine Elasto Painters.
Rachelle Ann Go
Siya ay may Chinese-Filipino roots at ngayo'y base sa London bilang theater performer sa West End. Talagang woman of the world si Shin!
Joyce Ching
Sa 'Hahamaking Ang Lahat,' ang kasulukuyang programa na pinagbibidahan ni Joyce, pinapakita ang ilang mga pagsubok ng relasyong Filipino-Chinese.
Xian Lim
Kapag Chinese New Year, pumupunta raw si Xian sa Binondo para sa mga charms na kailangan niya.
Enchong Dee
Proud daw si Enchong na maging isa sa mga celebrities na kumakatawan sa Chinese-Filipino community dito sa bansa.
Tim Yap
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Tim Yap kung bakit tingin ng maraming tao sa mga Chinese na katulad niya ay mayaman.
LJ Reyes
Lumaki man sa mga Chinese traditions si LJ tulad ng feng shui at lucky charms, mas pinaniniwalaan niya ang awa at grasya ng Panginoon.
Heart Evangelista
Parte si Heart ng Ongpauco clan, ang may-ari ng Barrio Fiesta Group of restaurants.
Dennis Trillo
Hindi alam ng nakararami na ang full name ng Kapuso hunk na ito ay Abelardo Dennis Florencio Trillo Ho.
Slater Young
Ang model, actor at engineer na si Slater ay mula sa isang Chinese family na naka-base sa Cebu.
Teng brothers
Matapos magpasiklab sa UAAP ang Teng brothers na sina Jeron at Jeric, ngayon naman gumagawa sila ng pangalan sa professional league na PBA. Parte ng Alaska Aces si Jeron Teng, samantala free agent si Jeric Teng matapos ang kontrata niya sa Kia Picanto. Ayon sa panayam nila sa isang website, sinabi ng magkapatid na mayroong silang Chinese roots at may mga sinusunod silang tradisyon tulad nang pabisita sa mga templo at tumatalima sila sa feng shui.
Edgar Allan Guzman
Ang 'Dragon Lady' star na si Edgar Allan Guzman ay may lahi ring Chinese galing sa kaniyang ama.