Filtered By: Celebrity Life | News
Kris Bernal, mas relaxed kay Rocco kaysa kay Dennis?
Published On: October 9, 2014, 04:45 PM
Updated On: March 10, 2020, 11:31 AM
Parehong leading man ni Kris Bernal sina Dennis Trillo at Rocco Nacino sa primetime series na Hiram na Alaala. First time na makatrabaho ni Kris si Dennis, habang nakasama naman niya si Rocco sa dating shows ng GMA na Koreana at Time of My Life.
By MICHELLE CALIGAN

Kaya naman nang tanungin ng entertainment press ang StarStruck alumna sa kung kanino siya mas kumportable, sinabi ni Kris na mas relaxed kaeksena si Rocco.
"Pareho silang magaling, pero syempre si Rocco kasi, sa dalawang shows ko na siya nakasama. Mas relaxed ako kay Rocco kasi ilang beses na rin kami nagkaroon ng drama," pahayag niya.
Pero paglilinaw ng aktres, hindi daw ibig sabihin nito na nahihirapan o naiilang siya kay Dennis.
"Si Dennis kasi, kahit hindi kayo mag-usap, 'yung binigay niyang emotion, 'yung binibigay niyang acting, madadala at madadala ka. Hindi mo kailangang problemahin kumbaga. Nakaka-adjust ka kaagad kasi madadala ka niya."
Recently ay inamin ni Kris na hiwalay na sila ng aktor na si Carl Guevara. Dito ba siya nakakahugot ng emosyon?
"Hindi ko siya iniiyak kapag normal na araw, pero pagdating sa taping doon ko binubuhos ang lahat ng iyak ko," patawa niyang sagot.
Tinanong din si Kris kung may alaala ba siyang ayaw niyang ipahiram kahit kanino, at ito ang naging sagot niya.
"Siguro lahat ng natutunan ko mula nung nagsimula ako hanggang ngayon, kasi dadalhin ko 'yun hanggang sa tumanda ako bilang artista."
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Trending Articles