In Memoriam: Celebrities who succumbed to cancer
Ilang TV personalities at vloggers na ang pumanaw dahil sa sakit na cancer.
Bata man o may edad ay maaaring tamaan nito at ilang artista na rin ang hinarap ang hamon ng matinding sakit na ito.
Ilan sa kanila ay ang showbiz figures na sina Francis Magalona, Mark Gil, Rudy Fernandez, Charlie Davao, Cherie Gil at iba pa.
Bagamat matindi ang sakit na kanilang naranasan, matapang nila itong nilabanan.
Sa katunayan, naging inspirasyon sila sa pagiging matibay sa laban ng buhay. Kaya naman kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa rin nalilimutan ng kanilang mga mahal sa buhay at mga tagahanga ang kanilang mga masasayang alaala at kontribusyon sa industriya.
Kilalanin ang mga artistang nagkaroon ng hamon laban sa cancer sa gallery na ito.
Francis Magalona
Binawian ng buhay ang tinaguriang 'Master Rapper' na si Francis Magalona noong March 6, 2009 matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit na leukemia o cancer sa dugo.
Mark Gil
Marami naman ang nagulat nang kumpirmahin sa publiko ng pamilya Eigenmann na namayapa na ang beteranong aktor na si Mark Gil noong September 1, 2014. Ayon sa statement na inilabas, nagkaroon ng liver cancer ang batikang aktor.
Rudy Fernandez
Matapos ang ilang buwang pagkikipaglaban sa sakit na periampullary cancer, binawian ng buhay ang tinaguriang Prince of Action ng Philippine Cinema na si Rudy Fernandez noong June 7, 2008 sa edad na 56.
Liezl Martinez
Binawian ng buhay ang dating child star na si Liezl Martinez noong March 14, 2015. Na-diagnose na mayroong breast cancer si Liezl noong 2008 pero nalabanan niya ito. Noong 2011, bumalik ang cancer ni Liezl na sanhi ng kanyang pagkamatay.
TJ Cruz
Marami ang nagulat nang pumutok ang balita na pumanaw na ang dating child actor na si TJ Cruz dahil sa sakit na lymphatic cancer. Siya ay 37.
Redford White
Pumanaw noong July 25, 2010 ang aktor at komedyanteng si Redford White dahil sa sakit na lung at brain cancer. Siya ay nakilala dahil sa 'Iskul Bukol' nina Tito, Vic, at Joey.
Armida Siguion-Reyna
Taong 2019 nang pumanaw ang beteranang mang-aawit at aktress na si Armida Siguion-Reyna sa edad na 88 dahil sa sakit na cancer.
Marilou Diaz-Abaya
Pumanaw ang award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya noong October 8, 2012 dahil sa breast cancer. Siya ay nasa edad 57.
Chinggoy Alonzo
Namayapa noong October 15, 2017 ang beteranong aktor sa telebisyon at teatro na si Chinggoy Alonzo dahil sa colon cancer.
Spanky Manisan
Natalo ang aktor na si Spanky Manisan sa kanyang pagkikipaglaban sa cancer noong January 14, 2018. Siya ay 75 at huling napanood sa teleserye ng GMA na 'My Love From The Star.'
Johnny Delgado
Taong 2009 nang binawian ng buhay ang aktor na si Johnny Delgado dahil sa lymphoma. Siya ay 61.
Rio Diaz
Anim na taon matapos siyang ma-diagnose na mayroong colon cancer, pumanaw ang aktres na si Rio Diaz noong October 4, 2004 sa Daly City, California.
Twink Macaraig
Pumanaw na ang TV5 anchor/ newspaper columnist na si Twink Macaraig (left ) dahil sa sakit na cancer. Dating nag-trabaho si Twink bilang news anchor sa ABS-CBN News Channel (ANC) at nagsilbi rin bilang Filipino bureau chief ng Channel News Asia.
Charlie Davao
Pumanaw ang veteran actor na si Charlie Davao, ama ng award-winning actor na si Ricky Davao, dahil sa colon cancer sa edad na 75 noong 2010. Nagsimula sa showbiz si Charlie noong 1959 sa Sampaguita Pictures at napanood sa mga palabas tulad ng 'Pitong Matahari' at 'Totoy Bato.'
Jam Sebastian
Nakilala ang TV personality at vlogger na si Jam Sebastian sa kaniyang mga YouTube vlogs kasama ang dating girlfriend na si Mich Liggayu. Nakilala online ang kanilang loveteam na tinawag na JaMich. Pumanaw si Jam noong 2015 sa edad na 28 dahil sa lung cancer.
Emman
Naging sikat sa YouTube ang vlogger na si Emman Nimedez noong 2017 dahil sa kaniyang parody videos at paggaya sa mga Korean drama. Pumanaw siya dahil sa mga komplikasyon ng acute myeloid leukemia noong August 2020.
Cherie Gil
Nito lamang August 5, pumanaw ang beteranang aktres na si Cherie Gil dahil sa sakit na endometrial cancer.
Hector Gomez
Sumakabilang-buhay na ang dating Regal Films actor na si Hector Gomez ayon sa kanyang anak na si Thor Gomez. Sa panayam ni Thor sa PEP.Ph, sinabi nito na lung cancer ang ikinamatay ng kanyang ama noong December 7, 2022.
Sa Instagram post ng aspiring actor, inalala nito ang kanyang Papa Hector. “But I'm thankful to have a papa na tulad mo kase I wouldn't grow to the man I am today without the guidance and experience na ibinigay mo. Kahit hindi na talaga buo yung family natin bago ka pa magpaalam binilinan mo na ako, at hayaan mo papa gagawin ko yung best ko para maalagaan si mama at yung mga kapatid ko. Ngayon alam ko na bakit.”
Dating napanood si Hector Gomez sa 1996 film na 'Nights of Serafina.'
Aegis Mercy Sunot
Die-hard OPM rock fans will be missing hearing Mercy Sunot singing their hit songs “Sayang na Sayang” and “Luha” after the Aegis vocalist died at the age of 48.
The announcement of her death was posted in the band's official Facebook page and in the statement, it was mentioned that she was battling cancer.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.
Mercy's voice wasn't just a part of AEGIS--it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang.”
In a report by PEP.PH, Mercy passed away at the Stanford Hospital and Clinics in San Francisco, California.