GMA Logo David Licauco
Courtesy: davidlicauco (IG)
Celebrity Life

David Licauco, naniniwala ba sa 3-month rule after a breakup?

By EJ Chua
Published January 8, 2025 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ano kaya ang opinyon ng Pambansang Ginoo na si David Licauco tungkol sa three-month rule? Alamin dito.

Maraming netizens ang patuloy na nakasubaybay sa social media posts ng Sparkle actor na si David Licauco.

Ito ay kasunod ng kanyang "Chill lang" post sa Instagram kamakailan lang na iniuugnay ng ilan sa hiwalayan nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

David Licauco's photos that prove he is a chill guy

Sa “Unang Chika” na ipinalabas sa Unang Hirit ngayong January 8, itinampok ang opinyon ni David tungkol sa isang topic na related sa romantic relationship.

Naniniwala ba ang Pambansang Ginoo sa three-month rule after a breakup?

Sagot ni David sa isang livestream, “Siguro oo. Dapat.”

Para sa Kapuso actor, dapat ay mag-heal muna sa mga pinagdaanan sa past relationship.

Pahayag niya, “Kasi isipin mo, kunwari, ikaw nakipaghiwalay ka, kailangan mo muna i-heal 'yung sarili mo so that 'yung baggages mo from past relationship, hindi siya madadala sa next relationship mo.”

Bukod dito, sinabi rin niyang dapat ay ayusin ang sarili bago mag-move forward sa next relationship.

Samantala, bago matapos ang 2024, naging usap-usapan ang pagiging single ni David.

Related gallery: Why David Licauco and Barbie Forteza's 'FiLay' is the loveteam to watch