Katya Santos, may kakaibang alaga sa bahay?
Hindi man nakakakita ng multo, inamin ni Katya Santos na madalas ay nakakaramdam siya na tila may kakaibang ispiritu sa paligid.
Sa ginanap na press conference para sa Sine Sindak 5 kamakailan, natanong ang cast ng isa sa mga pelikulang kalahok dito, ang Pasahero, kung nakakita na sila ng multo.
“Ako, hindi ako nakakakita pero nakakaramdam ako palagi,” sagot ni Katya.
Dagdag pa niya, “So, I believe that we are in the physical world and there's the spiritual ano… Nandyan lang talaga sila. Kapag may namamatay, talagang nandiyan lang sila. Kaya nga may mga nakakakita, e.”
Pagkatapos nito ay naikuwento niya ang kakaibang alaga umano nila sa kanilang bahay.
“Sa akin, doon sa bahay ko now, noong lumipat kami, there was one time kasi around 2:00 a.m., may pumapanhik sa hagdanan sa likod ng room namin, na parang nagdadabog. So, napabangon kami, akala namin kung sino yun, kung may magnanakaw ba or what. Pagtingin namin, wala.
“Many times, yung mga helper ko, sinasabi nila, 'Ma'am, mayroon kaming naririnig sa taas.' Even until now, mayroon.”
Ayon kay Katya, noong una ay kinatakutan niya ang idea na may gumagalang kaluluwa sa kanilang bahay, “Before kasi duwag ako.”
Nabago raw ito nang mag-iba ang kanyang perspektibo tungkol dito.
“Ngayong naiintindihan ko yung ganung mundo, kinakausap ko sila,” sabi niya.
Kaya naman, sa halip na matakot ay kinabigan niya at ng partner niyang si Paolo Pilar ang nararamdamang kaluluwa sa kanilang bahay.
“Ang ginawa kong ritual was mayroon akong palo santo, mga incense. Iniikot ko yung buong bahay at kinakausap ko sila, 'Alam ko na nauna kayo rito, pero hindi ko kayo gusto paalisin. Let's just share the space. Huwag n'yo lang kaming sasaktan. Okay lang kayong nandito.' Kumbaga, let's take care of each other.
“So, up until now, lagi kong sinasabi sa mga bisita ko, 'Oy, may alaga ako rito baka magulat kayo.' Sa akin, ang treat ko ay may alaga ako. So, every time aalis kami ng bahay, walang maiiwan sa bahay, iikot kami ng husband ko, 'O, kayo na ang bahala rito ha.'
“Kinaibigan namin siya. Kasi, I think, baka naiinis siya na nandun kami. So, I just want them to know na hindi kami harmful sa kanila, parang ganun," pagtatapos ni Katya.
Samantala, tingnan ang ilang aktres na bumida sa horror TV specials dito: