TRIVIA: Celebrities who failed at auditions but learned meaningful lessons
Binalikan ng Kapuso stars ang memorable auditions nila at inilahad ang mga natutunan nila kahit hindi nila nakuha ang proyekto.
Destiny Rose
Kuwento niya "I'm so close doon na makuha kasi kami ni Ken Chan, 'yung napunta sa finals. Pero I'm so big daw, big boned, and kung magba-babae ako parang hindi sexy tingnan. Though yung mukha ko okay na okay bilang babae." Hindi man siya pinalad, na-realize ni Jeric na dapat ibigay mo ang best mo sa tuwing sasabak ka sa mga audition. "Natutunan ko dun na siyempre ibigay mo pa rin yung best mo dun sa audition kasi, like 'yun, hindi ako natanggap na 'Destiny Rose' pero naging bestfriend niya ako doon.”
Martin del Rosario
Memorable ang naging audition ni Martin para sa isang commercial kahit hindi niya ito nakuha.
Commercial
Pag-alala ni Martin sa kanyang failed audition, "Commercial yan, usually kasi VTR di ba. Nakalimutan ko yung product, pero kailangan big yung eyes, so hindi kasi maliit yung mata ko."
Julie Anne San Jose
Sinubukan noon ni Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose na mag-audition para sa Miss Saigon.
Miss Saigon
Balik-tanaw si Julie Anne sa kanyang Miss Saigon audition, "I did auditioned for Miss Saigon, pero hindi ako nakapunta kasi bigla ako nagkasakit so 'yung medyo sayang."
Marimar
Hindi man daw siya pinalad, isang mahalang bagay ang natutunan ni Barbie,"'Pag nag-aaudition ka alamin mo 'yung mga requirements. Dapat pala kasi may bestfriend siyang aso, e, takot ako nun aso noon (giggles)."
Encantadia
Natutunan daw ni Joyce Ching sa failed audition na hindi siya dapat mahiya. "Nag-audition ako bilang isa sa mga young Sang'gre nila Miss Sunshine Dizon. Huwag mahiya, kasi 'yun talaga yung second audition sa buong buhay ko. Tapos wala talaga, hindi ko alam kung marunong ako umarte or what,"
Sef Commercial
Ayon kay Sef Cadayona, nangyari ang audition bago siya maging Kapuso. "This was one commercial that I really-really like sa fast-food. Unfortunately, hindi ko nakuha." Payo niya sa mga nabibigo sa mga auditions, "Huwag ka ma-overwhelm sa disappointment, it means something is bigger or something else will happen to you, just go with the flow."
Jak role
Hindi siya pinalad na mapili, pero sabi ni Jak, "Ganun talaga parang pag sa 'yo, sa 'yo. 'Yung hangga't hindi nagti-taping huwag ka umasa na sa iyo 'yung role. Hintayin mo muna talaga na nakakapag-taping ka na."
Indie film
Kahit daw hindi nasungkit ni Kyline ang project, tumatak sa puso at isip niya na dapat tuluy-tuloy lang siya sa pag-pursue ng kanyang dream. "Basta sa isang Indie film hindi ko nakuha. Maraming rejections ako matatanggap sa buhay but still if you want it you will continue pursuing your dreams."