Kween Yasmin recalls bad experience with physical bullying
Isa si Kween Yasmin sa social media stars sa Pilipinas na sinusubaybayan ngayon ng maraming netizens.
Sa latest vlog ni Luis Manzano, sinariwa ni Kween Yasmin ang ilang mapait na karanasan niya noong siya ay nag-aaral pa.
Ayon sa vlogger, ilang beses umano siyang nakaranas ng bullying.
Kuwento niya kay Luis, “Ang buhay ko po dati isang mag-aaral… Tinigil ko 'yung pag-aaral because of bullying… inside the classroom kasi natulak po ako sa hagdanan, college po.”
Kasunod nito, inalala ni Kween Yasmin ang pisikal na pangbu-bully na naranasan niya noong siya ay nag-aaral pa.
“Palakad na po ako galing po akong room, after that may kasabay po akong classmate ko po tapos tinulak niya po niya ako. Buti hindi dire-diretso po, tapos paika-ika po ako,” sabi niya.
Dagdag pa ng vlogger, “Pinagtawanan po ako ng mga senior high school [students] sa baba po.”
Nagpasya umano si Kween Yasmin na magsumbong sa officers ng guidance office sa kanyang paaralan at inaksyunan naman daw ang tungkol dito.
Matapos alalahanin ang kanyang bad experience, seryosong binanggit ng vlogger kay Luis na hindi pa siya handang bumalik sa pag-aaral dahil sa nangyari.
Ayon pa sa kanya, labis siyang na-trauma sa pisikal na bullying na kanyang naranasan noon.
Fun Facts you didn't know about Kween Yasmin
Samantala, bukod dito, ilang mga bagay ang inamin ni Kween Yasmin kay Luis tungkol sa kanyang love life at past relationships.