#ExKoYan: Celebrities who used to be sweethearts
Nakakagulat ang rebelasyon ng ilang celebrities tungkol sa mga ex nila na kapwa nasa showbiz.
Tulad na lang ng ginawa kamakailan ng former 'Centerstage' judge at tinaguriang Concert Queen Pops Fernandez. Sa isang vlog, inamin ng magaling na OPM singer na naging boyfriend niya sina Aga Muhlach at Piolo Pascual.
Samantala, ang ibang dating onscreen partners, hindi maiwasang magka-developan, tulad na lang ng Star of the New Decade noong '90s na si Manilyn Reynes na nagkaroon ng short relationship with 'Eat Bulaga' host Keempee de Leon.
Heto pa ang ilan sa artista na dating magkarelasyon sa gallery na ito.
Manilyn & Keempee
Sa isang live interview sa telebisyon, inamin ni Jake Cuenca na nagkaroon sila ng relasyon ni TV-movie actress Lovi Poe at tumagal ito ng dalawang taon.
Boy 2 & Rufa Mae
At the presscon of the primetime series 'Coffee Prince' in 2012, 'Bubble Gang' mainstay Boy2 Quizon went on record that he and co-star Rufa Mae Quinto became a couple. But the relationship didn't last long because Boy2 admitted that they were better off as friends. He said, “Kung naging kami, in a way, it's something na hindi namin pinlano. Pero we're better as friends.”
Troy Montero and Nikki Valdez
Solenn Heussaff and Derek Ramsay
Siyam na taon na ang nakalilipas nang maghiwalay sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay. Taong 2016 nang magsama ang dalawa sa pelikulang "Love is Blind."
Diego & Sofia
Laking gulat ng mga fans at ng mga tao sa entertainment industry na naging magkarelasyon ang dating Kapamilya love team na sina Sofia Andres at Diego Loyzaga. Walang pormal na pag-amin na nanggaling sa kanilang dalawa patungkol sa kanilang relasyon, pero lumabas ang totoo nang basagin ni Sofia ang kaniyang katahimikan ngayong Mayo 2018. Ayon sa dalaga ay “civil” silang dalawa ngayon ni Diego, pero sa tuwing magkasama sila ay lagi silang hindi nagkakasundo. Anak ng action star na si Cesar Montano si Diego kay Teresa Loyzaga.
Jake Cuenca and Lovi Poe
Sa isang live interview sa telebisyon inamin ni Jake Cuenca na nagkaroon sila ng relasyon ni TV-movie actress Lovi Poe at tumagal ito ng dalawang taon
Enrique Gil and Coleen Garcia
Si Coleen Garcia ang umamin na naging sila ni Enrique Gil. Ayon sa aktres, itinuturing niya lang daw itong isang puppy love.
Carla Abellana and JC Intal
Ex-girlfriend si Carla Abellana ng PBA player na si JC Intal na asawa na ngayon ni Bianca Gonzalez. Maayos na naghiwalay ang dalawa at nanatili pa rin silang magkaibigan.
James Reid and Ericka Villongco
Ayon sa singer na si Ericka Villongco, naging sila ni James Reid at lagpas tatlong taon tumagal ang kanilang relasyon.
Megan Young and Nico Salva
Bago pa koronahan bilang Miss World 2013, napabalitang naging boyfriend niya ang former Ateneo Blue Eagles basketball player na si Nico Salva.
Rachelle Ann Go and Gab Valenciano
Naging boyfriend ni Rachelle Ann Go si Gab Valenciano. Ayon sa Kapuso singer-actress, naging masaya raw siya nang malaman ang magandang balita tungkol sa dating boyfriend.
JC De Vera and Michelle Madrigal
Bahagi ni JC De Vera sa isang interview, ang relasyon niya raw kay Michelle Madrigal ang isa sa pinakamasakit dahil minahal niya ang aktres ng todo.
Rocco Nacino and Sheena Halili
Matapos maghiwalay, muling nagkatrabaho sina Rocco Nacino and Sheena Halili sa 'Hiram Na Alaala.' Sa isang interview, inamin ng aktres na nakaramdam pa rin siya ng pagiging awkward kahit na mayroon silang closure.
Oyo Boy Sotto and Nadine Samonte
Ayon kay Nadine Samonte, nalampasan na raw nila ng kanyang ex-boyfriend na si Oyo Boy Sotto ang akward stage bago pa sila magkatrabaho sa isang show noong 2012.
Oyo Boy Sotto and Angel Locsin
Naging nobya rin ni Oyo Boy Sotto si Angel Locsin, ang ex-girlfriend ng pumanaw na pinsan ni Oyo na si Miko Sotto.
Richard Gutierrez and Jewel Mische
Itinago nina Richard Gutierrez at Jewel Mische ang kanilang relasyon sa publiko. Lumabas na lamang ang balita na naging sila ay nang aminin ni Richard na hiwalay na sila noong 2010.
Gerald Anderson and Bea Alonzo
Ilang taon matapos ang naudlot na relasyon, naging magkasintahang muli sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ngunit hindi pa rin naging maganda ang katapusan ng kanilang relasyon dahil, ayon kay Bea, bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng binatang aktor.
Benjamin Alves and Pia Wurtzbach
Bago pa sumabak sa beauty pageant si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, makikita na sa Instagram accounts nila ni Benjamin Alves ang mga litratong magkasama sila. Ayon kay Benjamin, nagde-date raw sila noon ni Pia ngunit hindi exclusive.
Jake Cuenca and Jessy Mendiola
Inamin ni Jake Cuenca na nanligaw siya kay Jessy Mendiola ngunit itinigil niya ito para sa ikabubuti ng career ng aktres.
Xian Lim and Erich Gonzales
Tumigil sa panliligaw si Xian Lim kay Erich Gonzales. Ayon sa aktor, naging busy na raw siya kaya't hindi na niya ito itinuloy.
Robin Padilla and Sharon Cuneta
Naging magnobyo ang veteran actors na sina Robin Padilla at Sharon Cuneta habang ginagawa nila ang pelikulang "Maging Sino Ka Man" noong 1991. Sa isang interview, ibinahagi ni Sharon ang tawagan nila ni Robin noon ay "kambal."
Christian Bautista and Carla Dunareanu
Nabuo ang relasyon nina Kapuso actor Christian Bautista at radio DJ na si Carla Dunareanu sa international series na 'The Kitchen Musical.' Pagkalipas ng lagpas isang taon, napabalitang naghiwalay ang dalawa.
Marvin Agustin and Pauleen Luna
Naging sanhi raw ng paghihiwalay nina Marvin Agustin at Pauleen Luna ang mga
magulang ng 'Eat Bulaga' host ngunit itinanggi naman ito ng Kapuso actress at sinabing maayos naman silang nag-break.
Rhian Ramos and KC Montero
Tumagal ng halos dalawang taon ang relasyon nina Rhian Ramos at KC Montero bago nila ito tinuldukan noong 2013. Nanatiling malapit na magkaibigan ang dalawa pagkatapos ng kanilang paghihiwalay
Bianca Manalo and John Prats
Sa isang noontime show sa Kapamilya network nabuo ang relasyon nina Bianca Manalo at John Prats, ngunit hindi ito umabot ng isang taon. Ayon kay Bianca, hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay ni John.
Rachelle Ann Go and Christian Bautista
Taong 2007 nang tuldukan nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista ang dalawang taon nilang relasyon. Ayon sa isang interview kay Rachelle, maraming bagay silang hindi napagkakasunduan at kakulangan ng time sa isa't isa ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Keempee de Leon and Ara Mina
Sa magkasabay na guesting sa 'Tonight with Arnold Clavio' ng dalawang '80s stars na sina Keempee de Leon at Ara Mina, nabuking na naging magkasintahan ang dalawa.
Jolo Revilla and Lovi Poe
Magsasama sa pelikulang '72 Hours' ang ex-lovers na sina Jolo Revilla at Lovi Poe. Taong 2009 nang tapusin ng mga aktor ang kanilang halos dalawang taong relasyon.