Filtered By: Celebrity Life | News
Mark Herras, Nichole Donesa, Corky
Courtesy: herrasmarkangeloofficial (IG)
Celebrity Life

Mark Herras, sinabing hindi hadlang ang pamilya sa career

By EJ Chua
Nagsalita na si Mark Herras tungkol sa mga natatanggap niyang komento at pambabatikos bilang isang aktor, asawa, at ama.

Sinagot na ni Mark Herras ang mga pambabatikos ng netizens at mga manonood patungkol sa kanyang buhay ngayon.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, nakapanayam ng una si Mark na ayon naman sa huli ay ngayon lamang siya ulit nagpa-interview.

Ayon sa StarStruck alumnus, nakatutok siya ngayon sa pag-asikaso sa kanyang pamilya.

LOOK: Mark Herras and Nicole Donesa's kilig photos

Sabi niya, “I'm very busy being a dad. Masayang-masaya ako…”

Kasunod nito, nagsalita siya patungkol sa mga natatanggap niyang negative comments patungkol sa kanyang career ngayong mayroon na siyang pamilya.

“Unahan ko na agad, may mga naririnig ako, nawala raw 'yung career ko. Nawala raw ako sa industriya or sa showbiz light dahil masyado ako nag-focus sa pamilya ko at sa pagiging daddy. Isa raw 'yun sa mga reason bakit daw ako nawalan ng career.”

Sabi pa niya, “Actually, ngayon lang ako nagpa-interview ulit… Kung tingin nila nawalan ako ng career because of that, it's okay.”

Nagpaliwanag din si Mark tungkol sa buhay na mayroon siya ngayon bilang isang pamilyadong tao.

Ayon sa kanya, “Ako bilang ama, bilang asawa, parang never namang pumasok sa isip ko na magiging dahilan 'yung pamilya ko, at pag-focus ko sa anak ko para mawalan ako ng career.”

Si Mark ay ikinasal kay Nichole Donesa sa pamamagitan ng civil wedding noong September 8, 2021.

Sila ay loving parents ng baby boy na si Corky.

Kamakailan lang, masayang ibinahagi ng showbiz couple na nagpapatayo na sila ng kanilang dream house.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.