IN PHOTOS: Celebrities who left the limelight to live abroad
Marami na rin ang mga artistang mas piniling iwan ang kanilang buhay showbiz sa Pilipinas at mag bagong buhay abroad.
Naging maganda man ang takbo ng kanilang karera sa Pilipinas, may ilang mga artista pa rin ang mas hangad na makipagsapalaran sa ibang bansa at pansamantalang iwan muna ang Pilipinas.
Mula sa pagkakaroon ng regular na trabaho o upang makapiling ang kanilang pamilya, may iba't ibang dahilan ang mga artista sa pagpiling mamuhay sa ibang bansa.
Ngunit kahit malayo man sila, dala-dala pa rin nilang lahat ang pagiging Pilipino saan man sila makarating.
Hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang pinanggalingang bansa at ang kanilang naging buhay sa industriya ng showbiz.
Nasa puso pa rin sila ng kanilang mga taga-hanga na hangad ang kanilang kaligayahan sa bagong yugto ng kanilang mga buhay.
Heto ang ilang celebrities na nakahanap ng panibagong simula sa ibang bansa.
Asia Agcaoili
Last March 2021, 'Mars Pa More' got the chance to interview former Viva Hot Babes member Asia Agcaoili or Junelyn Alexis Agcaoili in real life. The sexy actress has been living happily with her family in New Zealand for a decade now.
Ron Morales
Former Kapamilya talent Ron Morales made the ultimate sacrifice to leave his acting career in the country to be with his whole family in Canada. Ron is a loving husband to Victoria Villamin and a proud father to Andres and Anika. He was the first runner-up in the 'Be Bench: The Model Search in 2007.'
Carol Banawa
Sa Amerika na rin nakatira sa ang actress-singer na si Carol Banawa kasama ang asawang si Ryan Crisostomo at mga anak na sina Chelsea at River. Nagta-trabaho bilang perioperative nurse si Carol Banawa. Ayon sa healthtimes.com.au, "perioperative nurses provide care for patients in the period prior to and right after surgery or intervention procedures.
Beth Tamayo
Sa San Franciso, U.S.A. naman based si Beth Tamayo kung saan kasama niya ang kanyang longtime boyfriend na si Alexander Gredysa.
Joyce Jimenez
Mayroon ng pamilya si Joyce Jimenez sa Amerika matapos siyang ikasal sa Filipino-American US Air Force na si Paul Ely Egbalic noong 2008.
Nancy Castiglione
Nakatira ngayon sa Canada ang dating aktres na si Nancy Castiglione kasama ang kanyang pamilya.
Cindy Kurleto
Matapos ang paninirahan ng walong taon sa Peru, nag-migrate ang former actress, model at VJ na si Cindy Kurleto sa Vienna, Austria kasama ang kanyang pamilya.
Ehra Madrigal
Sa Amerika na nakatira ang aktres na si Ehra Madrigal kung saan kasama niya ang asawang si Tom Yeung. Ikinasal ang dalawa noong 2017 sa Boracay.
G. Tongi
Isa na ngayong TV show producer sa Amerika si G. Tongi. Ikinasal ang dating aktres kay Tim Walters noong 2005 at biniyayaan sila ng dalawang anak.
Jewel Mische
Pinili rin ni Jewel Mische ang tahimik na buhay sa Amerika matapos ikasal kay Alister Kurzer noong March 2015.
Anjanette Abayari
Isa na ngayong US citizen ang former beauty queen at actress na si Anjanette Abayari. Sa Amerika siya nakatira kasama ang kanyang pamilya at dalawang anak.
Kim delos Santos
Isa na ngayong dialysis nurse ang dating 'T.G.I.S.' star na si Kim delos Santos sa Texas, U.S.A.
Tootsie Guevara
Taong 2003 nang magdesisyon ang singer-actress na si Tootsie Guevara na mag-migrate sa California, U.S.A at pakasalan ang kanyang Italian-American boyfriend na si Mike Monaco.
Princess Punzalan
Noong 2005, iniwan din ng sikat na kontrabida na si Princess Punzalan ang Pilipinas. Ngayon ay isa na siyang nurse at hands-on mom sa anak niya sa Amerikanong asawa sa U.S.A.
Belinda Panelo
Sa Amerika na rin naninirahan ang commercial model at VJ na si Belinda Panelo kasama ang kanyang pamilya.
Julia Clarete
Kasama ni Julia Clarete ang kanyang anak sa ibang bansa at mayroong simpleng buhay ang mag-ina sa Malaysia.
Serena Dalrymple
Isa na ngayong corporate professional sa New York City, U.S.A. ang dating child star na si Serena Dalrymple. Huling nasa bansa si Serena upang dumalo sa kasal ng kanyang kapatid.
Bb Gandanghari
Noong 2016, matagumpay na pinapalitan ni Rustom Padilla ang kanyang pangalan ngayo'y Bb Gandanghari. Kinikilala na rin siya bilang isang babae sa Amerika.
Ate Glow
Ikinasal sa London, United Kingdom si Ate Glow o Renee Facunla, ang impersonator ni former president Gloria Macapapal-Arroyo, sa kanyang British boyfriend noong 2016.
RJ Padilla
Noong 2017, nagdesisyon si RJ Padilla at ang kanyang pamilya na mag-migrate sa Australia. Kasama ng komedyante ang asawang si Bianca Padilla at dalawang anak na namumuhay nang tahimik sa ibang bansa.
Kurt Perez
Matapos manalo sa 'StarStruck Kids' noong 2004, hindi na itinuloy ni Kurt Perez ang showbiz career at nag-migrate agad siya sa Australia kasama ang kanyang pamilya.
Red Sternberg
Tinalikuran ng former 'T.G.I.S.' star na si Red Sternberg ang kanyang showbiz career at nanirahan sa Florida, U.S.A. kasama ang kanyang pamilya. Siya ngayon ang Corporate Director of Housekeeping ng By The Sea Resorts Inc.
Leandro Muñoz
Isang award-winning actor si Leandro Muñoz na sumikat noong '90s na nanirahan sa Amerika para magtrabaho. Nagtrabaho si Leandro sa linya ng car dealership, ambulance marketing, at financial services.
Carlo Muñoz
Sumama si Carlo Muñoz sa kapatid na si Leandro sa paghahanap ng bagong buhay sa Amerika. Kahit na isang award-winning actor din siya tulad ng kapatid, pinili rin ni Carlo na manirahan sa ibang bansa. Pinasok ni Carlo ang iba't ibang trabaho tulad ng warehouse work, at pagiging salesman ng Filipino products para makapag-bagong buhay sa Amerika.
Spencer Reyes
Ang dating Streetboys member na si Spencer Reyes ay naninirahan na ngayon sa Scotland. Ayon sa ulat ng '24 Oras,' nagtatrabaho siya sa ibang bansa bilang isang bus driver at frontliner.
Spanky Rigor
Kasagsagan ng kasikatan ng VST & Co. nang lisanin ng isa sa founding members nito na si Spanky Rigor ang buhay-showbiz sa Pilipinas upang manirahan sa California, USA. Ngayon, tatlong dekada na rin siyang nagtatrabaho roon bilang isang baggage handler sa San Franciso Airport.
Frencheska Farr
Iniwan ni Frencheska Farr ang buhay-artista upang magsimula ng bagong buhay sa Amerika kasama ang kanyang non-showbiz husband na si Gino Jose. Ikinasal sila sa Las Vegas noong 2017 ngunit pansamantala silang umuwi sa Pilipinas noong Februay 2020 para magdaos ng isa pang wedding ceremony sa Batangas.
AJ Dee
Sa Oslo, Norway naisip manirahan ng actor-model na si AJ Dee kasama ang kanyang pamilya. Doon ay nagtatrabaho siya sa isang tailoring company.
Michelle Madrigal
Isa nang naturalized American citizen ang aktres na si Michelle Madrigal. Naninirahan siya sa USA kasama ang kanyang partner na si Kevin Neal.
Ron Morales
Piniling mamuhay ng dating aktor na si Ron Morales sa Canada. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa kusina ng isang restaurant sa Prince Edward Island.
Rich Asuncion
Dahil sa COVID-19 pandemic, mamalagi muna ang aktres na si Rich Asuncion sa Australia kasama ang asawa niyang si Benjamin Mudie at anak nilang si Bela Brie. Sa kasalukuyan ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang waitress. Ibinahagi rin niya na nakabili na sila ng sarili nilang bahay sa Australia.
Jinri Park
Matapos magpakasal ay lumipad na rin patungong Australia ang athlete at model na si Jinri Park at nagtatrabaho sa naturang bansa bilang isang waitress.
Ylona Garcia
ang humanga kay Ylona nang aminin niyang nagtrabaho siya pansamantala bilang fastfood chain employee sa Sydney nang iwanan ang showbiz.
LJ Moreno
Matapos aminin na nakunan sa pagdadalang-tao, bagong buhay sa Amerika naman ang naging plano ng aktres na si LJ Moreno kasama ang kaniyang asawa, former PBA MVP at GILAS Pilipinas star Jimmy Alapag at ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona, at Calen.
Jimmy Alapag
Naging matagumpay ang karera sa basketball ng atleta na si Jimmy Alapag ngunit pinili nitong magbalik sa Amerika kung saan siya lumaki, at sa kaniyang pagbabalik, dala-dala na niya ang kaniyang sariling pamilya--ang asawa na si LJ Moreno at ang kanilang mga anak.
Ruby Rodriguez
Kapuso actress-host Ruby Rodriguez left the Philippines to work at Philippine Consulate General in Los Angeles, California. She shared the news on social media by posting a selfie at her office.
Ala Paredes
The daughter of APO Hiking Society member Jim Paredes, Ala Paredes, gave a sneak peak of her life away from the glitz and glamour of showbiz, when she went to Australia. Ala, a former VJ and commercial model, wrote about her decision to leave the Philippines in an article at sbs.com. According to her, first job in her new home was at a café.
Migo Adecer
Opisyal nang nagpaalam ang StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa showbiz sa pamamagitan ng Instagram post ngayong April 10. "Thank you for the memories and thank you for the support!" ani Migo sa kanyang post bago siya umalis ng bansa patungong Australia.
Dante Varona
Known as 'King of Stunts', former action star Dante Varona, now lives in the U.S. A popular action star in the '70s and '80s, Dante chose a simple life outside the Philippines. In his interview in the The Wander Mamas vlog of Rufa Mae Quinto and LJ Moreno, Dante shared that he worked as a janitor and a security personnel, until he retired.
Kim Last
Nagpaalam na rin sa kanyang showbiz career ngayong 2021 ang That's My Bae na si Kim Last. Sa kanyang post noong March 31, emosyonal na sinabi ni Kim nang umalis patungong London, "Bittersweet is the only way to describe it. You're leaving home, but you're going to another; if that makes sense."
Jinky Oda
Taong 2016 nang lisanin ng komedyanteng si Jinky Oda (Jacque Oda sa totoong buhay) ang Pilipinas para manirahan sa Amerika.
“At that time tapos na 'yong Vampire ang Daddy Ko, so sabi ko ano'ng mangyayari kasi medyo marami ng komedyante na lumalabas tsaka wala akong managerial [contract] nung mga panahon na 'yon,” kuwento ni Jinky kay Pia Arcangel ng Tunay na Buhay.
Kasalukuyang nagtatrabaho bilang security officer sa San Francisco, California si Jinky. Naranasan din niyang mamasukan bilang on-call caregiver at performer sa isang comedy bar.
Papa Dan
Former 'Wanted Sweetheart' DJ Papa Dan made the hardest decision to leave his life as a popular disk jock in the Philippines to migrate in Australia in 2017 to be with his girlfriend Jhoanne. In April 2019, Papa Dan proposed to his girlfriend during their trip in Queenstown, New Zealand.
Rhea Santos
Emosyonal na nagpaalam ang 'Unang Hirit' host na si Rhea Santos noong July 30, 2019 matapos ianunsyo na aalis na siya sa Kapuso Network, na naging tahanan niya sa loob ng 19 na taon. Maninirahan na si Rhea at ang kanyang pamilya sa Canada, kung saan plano uli niyang mag-aral.
Tristan Perez
Good decision para sa former Blackwater Elite cager na si Tristan Perez ang umalis sa bansa para tumira sa Canada kasama ang kanyang asawa na si Princess Jhameel Perez at kanilang mga anak. Kuwento ni Tristan sa panayam sa kanya ni Rhea Santos sa OMNI Filipino, para sa future ng kanilang mga chikiting kaya nila naisip mag-migrate. Aniya, “Mas pinili naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.” Ngayon, tatlong taon ng truck driver si Tristan at nakatira sa Fort McMurray, Alberta.
Krista Ranillo
Taong 2009 nang iwan ni Krista Ranillo ang showbiz at nanirahan sa Amerika. Kasal na si Krista kay Niño Jeff Lim at mayroon na silang limang anak.
Cherie Gil
In February 2022, high caliber TV and movie star Cherie Gil surprised many with her new look---a shaved head on the cover of Mega magazine. She also revealed that she's moving to New York to be with her kids. In her interview with the magazine, she said, “I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority. I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,”
Cherie Mercado
Nagsimula ang career ng seasoned TV journalist na si Cherie Mercado-Santos taong 1995. Dati siyang Kapuso at nagtrabaho ng halos isang taon sa GMA-7. Naging talent din siya ng ABS-CBN, TV5, at CNN Philippines.
Pinasok din niya ang pagsisilbi sa gobyerno bilang spokesperson ng Department of Transportation.
Sa panayam sa kanya ng dating reporter na si Ina Andolong sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Cherie ang rason kung bakit nilisan niya ang career bilang broadcast journalist ng mahigit 24 taon para mag-migrate sa Canada.
Kuwento ni Cherie, “It's really about life has always been an adventure, parang it's not something na I'll stay here because established ka na. Parang that has never really entered my mind.”
“My family has been in Toronto since late '80s pa. So, bumibibisita kami dito lalo na nung nagkaanak na ako because I want them to meet their grandparents. I want them to meet my sisters, which are their aunts.”
Dagdag niya, “Pero siyempre 'pag may anak ka na iba na 'yung priorities mo 'di ba, sila na. Para sa kanila na, which is the reason why I went here. Para sa kanila talaga. Tapos my eldest daughter kasi, I wanted to get her into an art school. 'Yung pamangkin ko na anak ng sister ko, dito nag-aaral. She went to this high school for the arts. It's a specialized art school na public school siya, so it's basically free. So, I wanted to get her into that art school dahil both my daughters are strong artists. The first one really craves for it.”